Bagong Bilibid director, ‘lilinisin’ ang naiwang kalat

BUONG kompiyansang sinabi ng bagong talagang Director ng Bureau of Corrections (BuCor) na lilinisin at bubuwagin nito ang lahat ng naiwang kalat at iligal na gawain sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Nangangako si Atty. Franklin Jesus Bucayu na ipatutupad nito ang reporma sa bilibid na tutuligsa sa pagpuslit ng droga, pagdukot sa ilang mga bilanggo, prostitusyon at mga iligal na kubol sa loob ng NBP.

Pormal nang nanumpa kay Department of  Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima ang acting director ng BuCor na si Bucayu.
Pormal nang nagsimula ang panunungkulan ni Bucayu nitong Marso 16.

Ayon kay de Lima, personal nitong inerekomenda si Bucayu upang maging susunod na BuCor director.

Si Bucayu ay dating Police C/Supt ng Region 1 at dating nanguna sa UN Civilian police at isang peacekeeper.

You May Also Like