Babala sa mga tsismoso’t tsismosa

The Dreamer“But I tell you that everyone will have to give account on the day of judgment for every empty word they have spoken. For by your words you will be acquitted, and by your words you will be condemned.” – Matthew 12:36-37

Ito daw ang mensahe ni Rep. Manny Pacquiao sa mga taga-media ayon sa isang Facebook status ni Ivy Lisa Mendoza, dating editor ng Manila Bulletin.

Napapanahon po ang ganitong paalala ni Pacquiao dahil sa pagiging laganap ng bagong teknolohiya na nagpapadali ngunit siya rin namang nagpapatabang kung minsan ng komunikasyon. Dahil sa social media, internet, cellphones, i-Pad tablets, atbp., napakadali na nating ipahayag ang ating saloobin.

Mabuti sana ito – kung ito ay ginagamit para sa mabuti. Kaso nga lamang, napakarami rin ng gumagamit nito sa ‘di wastong paraan.

Ano ‘yon? National pastime daw ng mga Pinoy ang pagchichismis? Patay tayo diyan! Chismoso na ang Pinoy, mas lalo pang pinalala nitong Facebook at dali ng pagtetext.

Hay naku…buti sana kung therapy o escape lang ‘yan ng mga taong mababa ang tingin sa sarili. Alam niyo na, ‘yung mga tipong insecure at inggitera sa tagumpay ng ibang tao, kaso, matindi ang parusa diyan, lalo na kapag tayo ay namatay na at nakaharap na sa paghuhusga ni Kristo.

Tama si Pacquiao. Basahin niyo ulit ang mensahe niya sa itaas. Hindi po biro ‘yan!

Ang Diyos na mismo ang nagsabi sa Sampung Utos, “Thou shall not bear false witness against thy neighbor.” Pero, tama po ba na ang kapitbahay natin ang paborito nating pag-usapan? Oo nga po … lalo na kapag nakatalikod o wala.

Magbagong buhay na tayo. Mismong ang Santo Papa na ang nagpapaalala sa atin: Jesus, “With all simplicity says: ‘Do not speak ill of one another. Do not denigrate one another. Do not belittle one another.’” Sinabi rin ni Pope Francis na immature ang paninirang puri dahil kinakailangan pa na manira tayo ng kapwa para lang maramdaman natin na importante tayo.
Kakagatin mo na lamang ba ang dila mo? Ayos ‘yan! Ika nga sa Couples For Christ… taming the tongue!

You May Also Like