Babaeng Kongresista, at ba pa, ‘Yari’ sa 36 Kasong Kriminal

 

office-of-the-ombudsmanNi: Joel O. Amongo

 

TIYAK na tiyak ang Office of the Ombudsman na napakalakas ng mga ebidensiya nito laban sa dating mambabatas mulang Misamis Occidental upang iakyat ang mga kaso sa Sandiganbayan.

Iniutos ni Ombudsman Conchita Morales ang pagsasampa kay dating Misamis Occidental Marina Clarete ng 18 bilang ng paglabag sa Seksiyon 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019), 11 bilang ng Malversation thru Falsification of Public Documents, at pitong  bilang ng Malversation of Public Funds makaraang makaipon ng supisiyenteng ebidensiya laban sa kanya at iba pa.

Kasama rin sa kaso sina dating Agriculture Secretary Arthur Yap, Alan Javellana, Rhodora Mendoza, Encarnita Christina Munsod, Marilou Antonio, Marilou Ferrer, Julie Villaralvo-Johnson, Romulo Relevo, Allen Calma, Victor Roman Cacal, Maria Ninez Guañizo, Flerida Alberto, Maria Paz Vega, Gondolina Amata, Emmanuel Alexis Sevidal, Ofelia Ordoñez, Sofia Cruz, Evelyn Sucgang, Gregoria Buenaventura, Rodrigo Doria, Godofredo Roque, Chita Jalandoni, Filipina Rodriguez, Ma. Neriza Gador, Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Maria Rosalinda Lacsamana, Francisco Figura, Consuelo Lilian Espiritu, Pio Ronquillo, at Marivic Jover.

Ang kaso nina Clarete ay may kinalaman sa paggamit niya ng P65 Milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) para sa kanyang “ghost  projects” mula 2007 hanggang 2009.

Ang P65 Milyong PDAF ay nailabas ng Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ng pitong Special Allotment Release Orders (SARO).

Ang mga proyekto ni Clarete na pinaggamitan ng P65 Milyong pondo ay ang livelihood technology kits at trainings, water pumps, hand tractors, pagbili ng mga buto ng kalamansi, rambutan, at mangga.

Batay sa rekord ng Office of the Ombudsman, mismong si Clarete ang nag-indorso sa National Agri-business Corporation (NABCOR), National Livelihood Development Corporation (NLDC) and Technology Resource Center (TRC), Kabuhayan at Kalusugang Alay sa Masa Foundation, Inc. (KKAMFI), Kasangga sa Magandang Bukas Foundation, Inc. (KMBFI), at Aaron Foundation Philippines, Inc. (AFPI) bilang katuwang na non-government organizations (NGOs) sa pagpapatupad ng mga proyekto ng dating kongresista.

Nang magsagawa ng imbestigasyon ang Office of the Ombudsman ay nabisto nitong walang nakarating at natanggap ang sinasabing mga nararapat makinabang ng mga proyekto ni Clarete.

Maging ang mga alkalde sa nasabing mga lalawigan ng Misamis Oriental ay walang nalalaman sa nabanggit na mga proyekto ni Clarete, diin ni Carpio.

Lumabas din sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman na gawa-gawa lamang ang mga dokumento na hawak ng kampo ni Clarete, patuloy ni Carpio.

Upang makalusot sa 36 na kaso, iginiit Clarete peneke umano ang kanyang pirma at hindi umano nag-isyu ng “Notice of Disallowance” ang Commission on Audit (COA) sa paggamit ng pondo.

Ani Carpio, kumbinsidong-kumbinsido ang Office of the Ombudsman na “based on the evidence presented, the widespread misuse of the PDAF allocated to Clarete was coursed through a complex scheme basically involving projects supposedly funded by the PDAF, but which turned out to be inexistent or ghost.”

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like