Azkals handa na sa AFC Challenge Cup qualifying tournament

story 6-azkals James and Phil YHandang-handa na ang Philippine Azkals na sumabak sa qualifying tournament ng 2013 AFC Challenge Cup na gaganapin sa Marso 22-26 sa Rizal Memorial Football Field sa Malate, Manila.

Makakasagupa ng  Pilipinas sa  Group E ang mga bansang Cambodia, Turkmenistan at Brunei. Ang mangunguna sa grupong ito ay awtomatikong makakapasok sa 2014 AFC Challenge habang ang No. 2 team dito ay may pag-asa ring umusad depende sa resulta ng iba pang Group Stages.

Nauna nang nagwagi sa Group Stage ang Myanmar (Group A), Afghanistan (Group C) at Palestine (Group D). Ang Group B ay paglalabanan ng Kyrgyzstan, Tajikstan, Pakistan at Macau.

Sa pagtatapos ng mga Group Tournaments ay makakasama ng limang group winners ang top two second placers ng qualifying round sa main tournament. Awtomatiko namang magkakaroon ng slot ang host country na Maldives sa walong-koponang torneyong ito.

Ang kampanya ng Azkals dito ay pangungunahan nina Chiefy Caligdong, Neil Etheridge, Stephan Schrock, Jerry Lucena, Dennis Caraga, Rob Gier, Juani Guirado, Ray Jonsson at ng magkapatid na James at Phil Younghusband. Nanatili pa ring coach ng Azkals si Hans Michael Weiss ng Germany.

You May Also Like