AWOL na Pulis, Tinira sa Sementeryo

 

 

 Ng: Tapat News Team (TMT)
 
WALANG pinipili ang pagbebenta ng droga dahil kahit sementeryo ay puwedeng isagawa ito.
 
Kamakalawa, isang pulis Quezon City na nag-Absent without leave (AWOL) ang pinatay ng dati niyang mga kasamahan sa trabaho.
 
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), ang pulis na tinukoy lamang sa pangalang ‘Al-Fer’ ay pinagbabaril sa naganap na buy-bust operation sa Calvare Cemetery.
 
Maraming tama ng bala si Al-Fer.
 
Ayon pa rin sa ulat, dalawang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa suspek, ngunit nang mabatid na pulis pala ang mga ito, walang nagawa umano si Al-Fer kundi makipagbarilan sa mga otoridad hanggang mamatay.
 
Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ng Philippine National Police (PNP) Bulacan ang isang kalibre 38 at ilang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng ilang gramo ng shabu.
 
Ayon sa sources, notoryus daw na pusher si Al-Fer kung saan maraming buhay ng kabataan ang kanyang ‘winasak’ at ‘pinatay’ habang nasa kainitan sa kanyang pagtutulak ng shabu.
 
Si Al-Fer ay ikatlo na sa AWOL na pulis-Quezon City na napatay ng mga taga-QCPD dahil sa pagtutulak ng shabu.
 
Si Senior Insp. Ramon Castillo ng QCPD’s District Anti-Illgal Drugs – Special Task Operations Group (DAID – STOG) ang aktibong QCPD-pulis ang namatay umano sa buy-bust operations ng mga elemente ng QCPD kamakailan.

You May Also Like