Asawa, anak ng retiradong PNP general patay sa sunog sa QC

Namatay ang asawa at anak ni dating police General Ismael Rafanan nang masunog ang bahay ng pamilya sa Quezon City kaninang umaga.
 
Ayon kay Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City Fire Marshal, sina Marilyn (69) at Star (27) ay namatay sa gitna ng matinding sunog ng kanilang bahay sa Quezon City.
 
Ang bangkay ni Marilyn ay natagpuan sa comfort room, samantalang ang kay Star ay sa kuwarto nito sa ikalawang palapag ng bahay.
 
Ayon kay Fernandez, dakong 7:15 A.M. nagsimula ang sunog.
 
Naapula ang sunog dakong 8:30 P.M.
 
Si Rafanan naman ay nasa Pangasinan nang mangyari ang sunog.
 
Hindi pa natukoy nang eksakto kung ano ang dahilan ng sunog.
 
Ngunit, sabi ni Fernandez, mayroong sumabog bago magkasunog.
 
Si Rafanan ay isa sa 12 heneral ng Philippine National Police (PNP) na tinaguriang “Euro Generals” dahil ginamit umano nila ang P10 milyong intelligence funds sa kanilang pagtungo sa Rusya.  (Paula Antolin)

 

Propellerads

You May Also Like