ARMM, PINAKA-MAHIRAP NA REHIYON KAHIT MULTI-BILYON ANG BADYET

 

WASTO! : Ipinagtatangol ng liderato ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) sa pangunguna ni Gobernador Mujiv Hataman (pangalawa mula kanan) ang kawastuhan ng mahigit P45 Bilyon ang badyet ng ARMM para sa 2017 upang labanan ang napakalalang kahirapan sa nasabing rehiyon,
WASTO! : Ipinagtatangol ng liderato ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) sa pangunguna ni Gobernador Mujiv Hataman (pangalawa mula kanan) ang kawastuhan ng mahigit P45 Bilyong badyet ng ARMM para sa 2017 upang labanan ang napakalalang kahirapan sa nasabing rehiyon,

Ni: Roy Bersales

 

AMINADO ang gobernador mismo ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na natiling pinaka-mahirap ang nasabing rehiyon ng mga Muslim kahit multi-bilyon ang badyet na inilalaan dito ng Kongreso kada taon simula noong 2010.

Para sa 2017, P40.573 Bilyon ang ilalaang  badyet sa ARMM, banggit ni Gobernador Mujiv Hataman.

Ang nasabing badyet ay tumaas ng 46% mula sa badyet nito para ngayong 2016 na P29.4 Bilyon.

Tatlong ulit ang itinaas nito mula sa P10.4 Bilyon noong 2010.

Sabi ni Hataman sa pagdinig sa Senate Finance sub-committee na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson, ang ARMM na mayroong 3.2 milyong residente ay umaabot sa 53.1 porsiyento ang antas ng kahirapan.

Ibig sabihin, mahigit kalahati ng kabuuang populasyon sa iba’t ibang lalawigan sa ARMM ay pawang mahihirap.

Ipinapakita ng pag-amin ni Hataman na hindi napupunta sa pagpapahusay at pag-angat ng kabuhayan ng mga residente sa ARMM ang bilyun-bilyong perang ibinibigay ng pambansang pamahalaan sa nasabing rehiyon.

Sabi ni Hataman, ang inuna niya sa kanyang unang termino ay pagpapagawa ng ilang imprastraktura upang umunlad ang ekonomiya sa rehiyon.

Aminado si Hataman, hindi sapat ang imprastrakturang mga proyekto upang maresolbahan ang napakalalang kahirapan, kundi marami pang ibang dapat gawin.

Ang ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng mga kongkretong programa hinggil sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan/pagkakakitaan ng mga residente, kapayapaan, at tapat at malinis na pamamahala sa panrehiyong pamahalaan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like