Araw ng mga Ina

vol 2 no 7

Kamakailan kumalat sa social media ang video ng isang babaeng vinideo ang sariling aborsyon. Sa naturang video ipinapakita si Emily Letts na humuhuni habang sumasailalim sa isang aborsyon. “Ohh…cool..yeah,” pahayag pa nito matapos ang operasyon. Ayon sa dalaga, magaan ang pakiramdam niya pagkatapos ang pagpatay sa kanyang anak at inihambing pa niya ang aborsyon sa isang “panganganak.”

Sa iba, kagimbal-gimbal, hindi lamang ang pagkuha ng video ng pagkitil ng buhay ng isang bata, kung hindi ang tila kaswal na pananaw tungkol sa aborsyon at pangmatagalang epekto sa mga babaeng sumailalim dito.

Ayon sa ilang pagusuri, 65% ng kababaihang nagpa-abort ay magkakaroon ng Post Traumatic Stress Disorder na karaniwang nararanasan ng mga sundalong nadestino nang matagal sa mga conflict areas tulad ng mga war zones.

Dagdag pa dito ang mga kaakibat na epekto ng aborsyon sa kababaihan: clinical depression, sexual dysfunction, anxiety, drug abuse, suicidal tendencies, emotional paralysis, guilt at regret.

Ngayong papalapit na ang Araw ng mga Ina, patuloy ang balitaktakan sa iba’t ibang panig ng mundo tungkol sa tunay na pangangailangan ng mga kababaihan, partikular ng mga ina.

Sa isang pulong noong Abril 18 ng United Nations, naging desisyon ng mas nakararaming bansa na itaguyod ang kalayaang magtakda ng sariling mga batas, ipagtibay ang kultura at religious freedom, sa halip na “sexual rights”, na kinikilalang iisang termino para sa “abortion rights.”

Ayon sa Indonesia, “We don’t share the view” that sexual and reproductive rights are the “only or most important elements to sustain development.”

Tumitindi ang laban sa pagitan ng dalawang pananaw na ang higit na mabuti para sa kababaihan ay ang kalayaang makapamili – kahit ang nasabing desisyon ay pagkitil ng buhay ng inosenteng nilalang at ang paniniwalang ang pangangailangan ng nakararami ay tunay na maternal health care o pagkalinga sa mga ina at mga espesyal na pangangailangan ng mga nagbubuntis.

You May Also Like