Aquino, Purisima, mga Opisyal ng Pilipinas Shell, Sabit sa P100-B ‘Tax Scam’

 

DAPAT  MANAGOT: Naniniwala sina Tan, Nelson Morales, at Tan. (Rafael Taboy)
DAPAT MANAGOT: Naniniwala sina Juan Tan, Nelson Morales, at Lourdes Aclan na nararapat lamang kasuhan ng katiwalian sina dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III at dating Finance Sec. Cesar Purisima dahil hindi nila umano inobligang singilin ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC) sa P100 Bilyon buwis na hindi nito binayaran mulaa 2004 – 2009. (Rafael Taboy)

Ni:  Roy Bersales

 

INIREKLAMO ng katiwalian sina dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III at dating Finance Sec. Cesar Purisima sa Office of the Ombudsman dahil hindi nakolekta ng administrasyong Aquino ang P100 Bilyon buwis na umano nabayaran ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC).

Kasama rin sa nasabing reklamong katiwalian sina PSPC Chairman at President Edgar Chua, dating Vice President for Communications Robert Kanapi, at dating Country Tax Manager Nigel Avila.

Ang reklamong inahain nina Lourdes Aclan, Napoleon Morales, at Juan Tan ay may kinalaman sa hindi pagbabayad ng P100 Bilyong buwis mula  2004 hanggang 2009.

Ang Pangulo sa nasabing panahon ay si Gloria Macapagal Arroyo, ngayon ay kongresista.

Si Aquino ay naging Pangulo mula Hunyo 30,2010 hanggang Hunyo 30,2016.

Ganito ang sinabi nina Aclan, Morales, at Tan sa kanilang reklamo: “As public officers and in connivance with PSPC and its officers, the collective inaction, non-enforcement of laws to stop further smuggling by respondents constitute an implied consent to the acts of smuggling committed by PSPC and its officers, and allowed PSPC to have an unwarranted continuous usage of government revenue for PSPC’s own benefits, and causing undue injury to the government in particular and the Filipino people in general.”

Idiniin ng tatlo na hindi ideneklara ng PSPC ang totoong klasipikasyon ng gasolinang galing sa ibang bansa at hindi rin binayaran nang tama ang value-added-tax (VAT) ng mga nasabing produkto.

Anila, maaaring maihalintulad ang ginawa ng PSPC sa “smuggling.”

Idiniin nina Aclan, Morales, at Tan na sina Aquino at Purisima ay sangkot sa kaso dahil sa paglabag sa Seksiyon 10 ng Republic Act No. 9851 na nakaugnay sa Executive Order 226 na nasa ilalim ng konsepto ng “command responsibility.”

Ipinaalam kina Aquino at Purisima ang tungkol sa P100 Bilyon na hindi nabayarang buwis ng PSPC, tugon ng tatlo.

Ayon sa reklamo ng tatlo, ideneklara ng PSPC na “unleaded gasoline” ang kanilang binayarang buwis  noong 2001 hanggang 2004 para sa produktong Catalytic Cracked Gasoline (CCG), Light Catalytic Cracked Gasoline (LCCG], at Alkylate.

Sa kalaunan, pinalitan ng PSPC ng “tetrapropylene” ang mga nasabing produkto, banggit ng mga nagreklamo.

Ang tetrapropylene ay walang excise tax at walang VAT sa nasabing excise tax.

Idiniin nila Aclan, Morales, at Tan sa kanilang reklamo na hindi nagbayad ng buwis ang PSPC mula 2004 hanggang 2009.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like