Aquino makakasuhan pagkatapos ng termino

Tapatan 1 (3)MANILA – Nakaambang makasuhan si Pangulong Benigno Simeon Aquino III pagkatapos ng kanyang termino, ito ang pahayang ni Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile nitong nakalipas na Lunes sa Tapatan sa Aristocrat media forum na ginanap sa pamosong Aristocrat Restaurant sa Roxas Boulevard.
Ayon kay Enrile hindi diumano makatatakas si Pangulong Aquino na makasuhan dahil sa pagiging sentro nito sa nangyaring Oplan Exodus kung saan apatnapu’t-apat sa Special Action Force (SAF) and napatay nung linggo ng Enero 25 taong 2015 sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

“The president is the central figure in all of this, he cannot escape it,” Ani Enrile.

Isiniwalat din ni Enrile kung bakit sa pagtatapos ng termino lamang maaring managot si Pangulong Aquino kahit pa may batayan upang ma-impeach ang pangulo. Sabi ni Enrile, “It’s an openly articulated ground for impeachment he’s the chief executive but you cannot impeach him because he controls the House of Representatives, he controls a lot of people in the senate.”

Pagdidiin ni Enrile, haharapin ni Pangulong Aquino ang nararapat na hustisya sakaling magtapos na ang pamumuno nito bilang pangulo ng bansa at maging isang ordinaryong mamamayan na lamang.

“When he is no longer impeachable and become an ordinary citizen of the Republic when there’s a next president. Then he will have to face the music, face the people through the mechanism of exacting justice.”

Isiniwalat naman ni Enrile ang partisipasyon ng mga Amerikano na una nang pinasinugalingan ng US Embassy upang mahuli o mapatay ang target na si Zulkifli Abdhir o kilala bilang Marwan. Ani Enrile, may mga Amerikano diumano sa Zamboanga ng araw na iyon na kasama ng pangulo maging sa headquarters ni SAF Chief Getulio Napeñas. Ayon kay Enrile, They [Americans] were in Zamboanga some of them with the president. They were in the headquarters of Napeñas, some of whom they trained the 84th Seabourne.”

Muli namang pinapurihan ni Enrile ang SAF44 bilang mga bayaning nagtagumpay sa kanilang misyon at isinahalintulad maging ang pangulo ng Amerika sa pagmamalasakit nito sa mga tauhan.

Ani Enrile, “They did the mission and accomplished it. In fairness to the SAF units, they did very well they accomplished the mission not nobody, not the army, not anybody else accomplished the mission they did. The problem happened during the withdrawal. They were on the withdrawal place but the problem [massacre] happened. Now, if we have much criticized Obama as president like what he did in Al Qaeda, in the case of Osama Bin Laden the first order he said, “Do everything necessary to bring home the men.”

Sa pagtatapos ng pagdinig muling nadiin ang pangulo na siyang may pananagutan bilang Chief Executive at siya diumanong direktang nagmaniubra upang matupad ang naturang operasyon. (Paul De Guzman)

You May Also Like