Anu-ano ang bagong balita sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani?

Ng: Tapat News Team (TMT)
 
·       Naglabas ang Korte Suprema ng status quo ante order hinggil sa isyu.
 
·       Ibig sabihin, hindi muna papayagan ang paglilibing sa mga labi ni Fedinand E. Marcos sa loob ng 20 araw habang wala pang desisyon ang Korte Suprema sa mga petisyong inihain dito tungkol sa libing ng dating Pangulo.
 
·       Hindi tuloy ang unang pagdinig sa isyu na nakatakda eksakto alas 10 ng umaga sa Agosto 31 dahil gusto ng mataas na korte na pag-isahin ang petisyon.
 
·       Simula nitong Lunes ay apat na grupo na ang petisyong isinumite sa Korte Suprema laban sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
 
·       Ang pinakabago ay ang samahan nina Heherson Alvarez at asawa niyang si National Commission for Culture and the Arts executive director Cecilia Guidote-Alvarez, dating film director Joel Lamangan, dating Education Secretary at dating presidente ng Far Eastern University Edilberto de Jesus, University of Santo Tomas political science professor Edmund Tayao, taga-pangulo ng Movement Against Political Dynasties na si Danilo Olivares, at dating artistang si Noel Trinidad.
Ang kanilang argumento ay hindi naiiba sa mga unang tatlong petitioner: Kuwestiyonableng rekord ni Marcos bilang sundalo noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, talamak na korapsiyon, at laganap na kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayang Pilipino.
 
·       Sa kabila ng mga pagtutol, hindi natitinag, o walang balak ang pamilya Marcos na iatras ang planong isapinal na ang pagpapalibing sa mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, lalo pa’t suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano.
Idiniin ni Duterte na gusto na niyang matapos ang hidwaang naghati sa mga Pilipino sa napakahabang panahon, kaya siya ngpasya pabor sa paghihimlay kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

You May Also Like