Anong itsura mo bago ka mag-birth day?

Birth day ha – yung araw na mismong isinilang ka at first time kang nakita ng nanay mo, hindi birthday na tumatanda ka ng isang taon tapos kakantahan ka pa ng “happy birthday” song. Alam mo ba ang anyo mo noong mga buwan na dinadala ka ng iyong ina sa sinapupunan? Narito ang ilang mga litrato. Atsaka alam mo ‘yung madalas sabihin ng mga tao na “Wow! Magiging nanay/tatay ka na!” kapag nalamang buntis si misis? Ang saya nga noon pero kung tutuusin, nanay at tatay na ‘yung mag-asawa kahit hindi pa pinapanganak si baby. Alam mo kung bakit? Kasi inaaruga na nila, lalo na ni nanay, ang sanggol na lumalaki sa sinapupunan – kaya nga maingat si nanay sa kinakain niya, sa hindi niya pagpapagod sa sarili, at sa regular na check-up sa health center o ospital.

Kailan nagsisimula ang heartbeat ni baby? Anong buwan nabubuo ang mga braso’t binti niya? Sinisinok ba siya? Rinig na rinig ba niya ang tugtog galing sa radyo? Narito ang mga sagot!

Una, nagsisimulang tumibok ang puso ni baby 18 araw matapos ang “conception” o ang pagsanib ng semilya ng lalaki at ng ovum ng babae. Matapos ang tatlo pang araw, ang puso ay nagpapadaloy na ng dugo sa isang closed circulatory system. Mga iba pang “milestones” sa buhay ni baby bago siya ipanganak:

4 linggo after conception:

Mga mata, tainga at respiratory system ay nabubuo

7 linggo:

Napag-obserbahan nang sinisipsip ng sanggol ang kanyang hinlalaki sa ganitong edad. Dito rin ay mayroon nang sariling blood type si baby.

7 weeks

9-12 linggo:

Halos kumpleto na ang pagkabuo ng puso, at ang pagtibok nito ay malakas na kaya’t maaaring marinig sa pamamagitan ng Doppler machine (ginagamit ang instrumentong ito ng ibang OB-Gyne).

 

10 Weeks
10 Weeks

13-15 linggo:

Ang utak ay buong-buo na, at ang panlasa ng sanggol ay gumagana na rin!

20 linggo (5 buwan),

at marahil mula pa noong 16 linggo, naririnig at nakikilala na ng sanggol ang boses ng kanyang ina. Nakaririnig na rin siya ng ingay galing sa labas, tulad ng musika.

7 buwan:

Siya ay malimit na “nag-e-exercise” sa pamamagitan ng pag-unat at pagsipa. Ito ay bahagi ng pag-ensayo para sa kanyang pagsilang.

8 buwan:

Dito kumakapal ang balat niya, at siya’y umiinom ng isang galon ng amniotic fluid (pumapaloob siya sa amniotic sac bilang proteksyon, at ito ay puno ng fluid) bawat araw. Madalas siyang sinukin.

24 weeks
24 weeks

Sa kanyang pang-9 na buwan, ang sanggol ay bumibigat ng kalahating pound kada linggo. Sa pagkapanganak nito, puputulin ang ugat ng pusod at ang sanggol ay hihinga – hangin na ang papasok sa kanyang baga sa unang pagkakataon.

 

 

You May Also Like