Ano ba Itong Gagawin ng mga Mambabatas?!

 

WALANG dudang kontrobersiyal ang pagkamatay ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. nitong alas kuwatro ng madaling araw ng Sabado sa loob ng selda nito sa kulungan sa Leyte.

Kaya, nararapat lamang na imbestigahan ang insidente upang malaman kung ano ang totoong nangyari? Kung si Espinosa ba ay pinatay nang “manlaban” sa 15 pulis na mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), o hindi.

Ang naganap ay usaping pangpulis.

Ang pag-iimbestiga sa isang krimen ay trabaho ng pulis, hindi ng mga mambabatas.

Ang maaaring mag-imbestiga ay ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Hindi na kailangan ang Senado, o Kamara del Representantes na maglunsad ng kanilang imbestigasyon.

Dapat tandaan ng mga mambabatas na ang pag-iimbestiga ay dapat nakaangkla sa pagbalangkas ng batas.

Hindi iyong upang sumikat lang sa publiko.

Kumbinsido kaming hindi kailangang magsagawa ng imbestigasyon ang Senado at Kamara upang patapangin at pabagsikin pa ang mga umiiral na batas upang maging epektibo at mareresolbahan ang mga problema sa operasyon ng criminal justice system.

Naniniwala kaming higit na makabubuti kung ang mga isyu ng mga manggagawa, magsasaka, guro, at iba pang mahihirap na mamamayan ang pag-ukulan ng pansin ng mga mambabatas.

Ang gagawing imbestigasyon ng Senado at Kamara ay pagsasayang lamang ng panahon at ng pera ng pamahalaan na  ibinabayad ng mga negosyante at mamamayang nagbabayad ng buwis.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like