Ano ba dapat ang batayan ng Pananampalatayang Kristiyano

Ayon sa Center for the Study of Global Christia-nity (CSGC) na nakabase sa Gordon-Conwell Theological Seminary sa Amerika, kasaluku-yang may 41,000 na denominasyon ang pananampa-latayang Kristiyano. Sinasabing may 50.1 porsyento ng mga Kristiyano ang Katoliko, 36.7 porsyento ang mga Protestante, 11.9 porsyento ang mga Orthodox at 1.3 porsyento naman ang iba pang mga Kristiyano.

May mga ibat’ibang sariling doktrina ang mga ito, ngunit nagkakaisa sa batayan patungkol sa pananampalataya, ang Bibliya.

Nagsimula ang pananampalatayang nakabase lamang sa Bibliya o kilala bilang ‘Sola Scriptura’ noong ika-anim na siglo kung saan ito ay pinalawak ni Martin Luther, isang paring Agustino na tumalikod sa pananampalatayang Katoliko. Ayon sa mga tagasunod ni Luther, ang Bibliya ang natatanging libro na inspirado ng Diyos at natatanging sandigan ng mga Kristiyano patungkol sa pananampalataya. Subalit, mula sa katuruang ito nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kadahilanang ang bawat tao ay may kani-kaniyang pa-raan, prinsipyo at pagkakaintindi sa Bibliya. Bawat isang pagkakaunawa ng pagkakasulat sa Bibliya ay nagbubunga ng pagtatatag ng sariling simbahan. Hindi nagtagal pagkalipas lamang ng isang siglo laganap na ang iba’t-ibang simbahang Kristiyano at patuloy pang dumarami sa kasalukuyan.

Maging dito sa Pilipinas hindi maitatatwa ang pagkakaroon ng mga pananampalatayang nakabase sa Bibliya. Ngunit paano nga ba makikilala ang tunay na iglesia mula sa mga libo-libong Kristiyano?

Itinuturing ng pananampalatayang Katoliko na siyang bumuo at naglimbag ng Bibliya na inspiradong batayan ang Bibliya, ngunit mayroon paring nagkakaroon ng maling interpretasyon sa nilalaman nito. Ayon sa 2 Pedro 3:16, “Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.” Hindi lamang ito, sinasabi rin sa banal na kasulatan na kailangang maging maingat at iwasan ang kanya-kanyang pagkaunawa sa mga kasulatan. Ayon sa 2 Pedro 1:20, “Alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.”
Nang mabuhay si Kristo kasama ng sangkatauhan, Siya ay bumuo ng mga apostoles na Kanyang binigyan ng karapatan upang ipalaganap ang Kanyang mga aral. Sinalin ng mga apostoles ang kanilang mga natutunan mula kay Kristo sa kanilang mga napiling magpatuloy ng katuruan sa pamamagitan ng mga ‘salita’ at ‘kwento’. Sa paglipas ng panahon, ang mga obispo ang nagpatuloy ng tradisyong ipalaganap ang katuruan sa pamamagitan ng mga ‘oral tradition.’ Ito ay sa kadahilanang wala pang naililimbag na kasulatan maliban na lamang sa Lumang Tipan na namana ng mga Kristiyano sa mga Hudyo. Nang malimbag ang mga kasulatang ebanghelyo apat na siglo mula nang nabuhay si Kristo nagpatuloy ang pag-iingat sa pagtuturo. Pinanghawakan ng Simabahang Katolika na ang pananampalatayang Kristiyano ay nakabase sa banal na kasulatan, mga banal na Tradisyon at turo ng Simbahan mula pa sa mga sinaunang Kristiyano. Dahil dito, wala ni isa sa mga naunang itinuro ang nabago hanggang sa kasalukuyan. Napanatili ng ganitong paraan ang tunay na doktrinang inilahad ng mga unang namuno sa mga Kristiyano.

Ang buhay na pagsasalin na siyang ginabayan ng Banal na Espiritu ay tinawag na Tradisyon dahil ito ay may sariling tindig mula sa banal na kasulatan, ngunit may kaugnayan dito. Sa Tradisyon, “Ang Simbahan, sa kanyang doktrina, buhay at pagsamba ay tumatalima sa bawat he-nerasyon. Ang mga salita ng unang mga ama ng Simbahan ay buhay na saksi sa nagbibigay buhay na presensya ng Tradisyon. Napapakita dito ang kayamanan at buhay na ibinabahagi ng Simbahan hanggang sa kasalukuyan. (Mark Silva)

You May Also Like