Ano ang halaga ng Banal na Misa?

Ang mga Hudyong Kristiyano ang unang mga miyembro ng Sinaunang Simbahan. Pagkatapos ng Pentekost, sila ay nagpatuloy sa pagsama sa paggunita ng Sabbath o “araw ng pamamahinga” sa mga sinagoga. Doon sila ay nakikinig sa dalawang basahin mula sa Lumang Tipan, kumakanta ng mga salmo mula sa Mga Awit, at nakikinig sa homiliya ng Rabbi. Sinusundan nila ito ng pagtitipon sa isang bahay upang pagsaluhan ang hapunan na tinatawag na agape (Mga Gawa 2:46), kung saan ang Apostoles o tinalagang obispo ay nagpoproklama ng Ebanghelyo at nangunguna sa pagsasalo-salo at paghahati ng tinapay mula sa mga banal na alay at walang lebadurang tinapay at alak.

apologetics photo

Nang pinagbawalan na ang mga Kristiyanong pumasok sa mga sinagoga dahil sa kanilang paniniwala kay Kristo, ipinagpatuloy nila ang selebrasyon ng mga Hudyo tuwing Sabbath. Sa paglipas ng panahon, ang pagpapaalala ay tinawag na eukaristiya, limbag mula sa salitang Griyego na eucharistein, o gawa ng pasasalamat at kinilalang isang dasal kay Kristo na siyang Ama ng Huling Hapunan. Ang agape na tinawag na komunyon ay maikling pinagpaliban nang dahil sa mga naganap na pang-aabuso at kawalan ng respeto sa tinaguriang katawan ni Kristo (1 Korinto 11:23-33). Dito nagmula ang pag-aayuno bago ang komunyon bilang paghahanda sa Eukaristiya.

Sa taong 150 A.D., nabuo ang dalawang sangay ng pagsamba, ang Misang Catechumens o Liturhiya ng mga Salita at Misa ng mga Mananampalataya o Liturhiya ng Eukaristiya. Binubuo ito ng Tanang Simbahan, mga dasal, pananamit ng pari, at paraan ng misa na sinunod mula sa mga pagsamba ng mga Hudyo sa templo kasama na ang mga kasulatan. Ang mga alay ay iba-iba noong sinaunang panahon: palay, manok, prutas, at iba pang mga bagay bago pa nagsimulang tumanggap ng salapi.

Ang Linggo ay itinalaga sa liturhiya upang gunitain ang Muling Pagkabuhay. Salitang Latin ang naging pangunahing lengwahe para sa pangkalahatan na sa mga nagdaang panahon ay siyang pumalit sa salitang Griyego sa Romanong ritwal at ipinagpatuloy ng ilang daang taon hanggang sa pagdating ng Ikalawang Konseho ng Vaticano kung saan ipinalaganap ang mga pagbabago na nagpahintulot sa paggamit ng mga lokal na salita para sa Banal na Misa.

Ang kulay ng pananamit ng kaparian ay nagpapakilala sa panahon ng Liturhiya: byoleta o kulay lila para sa Adbiyento at Mahal na Araw; pula para sa Huwebes Santo at Biyernes Santo; puti o ginto sa Pasko, Pasko ng Pagkabuhay at iba pang Solemniya; berde para sa Ordinaryong Araw; asul, ginto o puti sa pag-alala kay Maria at pula para sa mga martir.

Ang gawa ni Kristo na pagtanggap, pagbasbas, paghati, pabibigay at pagpaparami ng tinapay na Kanyang inulit noong Huling Hapunan at para sa dalawang disipulo sa Emmaus ay sentro ng walang kundisyong pagsamba sa lahat ng pitong Romanong ritwal: Alexandrian, Antiochene, Armenian, Byzantine, Chaldean – na kinabibilangan naman ng 22 Silanganang Simbahan sa ilalim ng Roma, Maronite, Coptic, Syriac at iba pa. Ang mysterium fidei o misteryo ng paniniwala ay hindi nagbabago kahit pa may maliit na pagkakaiba sa mga kultura. Ang Katoliko ay maaring tumanggap ng Komunyon sa mga ito maliban lamang sa humiwalay na Simbahang Griyego at Eastern Orthodox.

Pinag-isa ni Kristo ang liturhiyang pagtanggap ng mga Hudyo, ang madugong sakripisyo at ang Banal na Hapunan sa Kalbaryo. Mula sa pinagdausan sa Huling Hapunan hanggang sa mga pagbabago sa pagdaloy ng panahon, ang pagsasalo-salo na ngayon ay nasa mga Misa ay siya pa rin gaya noong una at kahalintulad ng nasa lahat ng altar sa buong mundo. Patuloy ang pagsunod ng sa utos ni Kristo, “Gawin ninyo ito sa pag-aalala sa Akin.”

Walang pari ang maaaring magbago ng paraan ng Misa: Ang Misteryo ng Eukaristiya ay napakalaki at napakahalaga upang pagbigyan ang sino man na siyang aangkin nito, upang ang kanyang kabanalan at pangkalahatan pamamaraan ay mabago.—Ecclesia de Eucharistia

You May Also Like