ANGKAN NG ALCALA, PASOK SA DROGA

dating Agriculture Sec. PROCESO ALCALA
dating Agriculture Sec. PROCESO ALCALA

Ni: Denz Laguipo

 

ANG angkan ng Alcala ng lalawigan ng Quezon, kung saan kabilang si dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, ay sangkot sa negosyo ng iligal na droga.

Ibinunyag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harapan ng mga opisyal at tauhan ng Philippine Air Force (PAF) sa Pasay City, habang idinidiin ng Pangulo ang matinding epekto ng bawal na gamot sa kabataan ng kasalukuyang henerasyon at sa susunod pang mga henerasyon.

Ipinunto ni Duterte na siguradong pasok sa iligal na droga ang mga Alcala, habang iminumuwestra sa kanyang kaliwang kamay ang makapal na dokumento ng mga protektor ng iligal na droga sa bansa.

Nitong Setyembre 11 ng gabi, nadakip ng mga pulis ang mag-inang sina Maria Fe at

CERILO 'ATHEL' ALCALA
CERILO ‘ATHEL’ ALCALA

Toni Ann Alcala sa buy-bust operation na isinagawa sa kanilang bahay sa Tayabas.

Nakakuha ng shabu at mahigit P200,000 pera ang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing operasyon.

Sinampahan na ng kaso sina Maria Fe at Toni Ann ng paglabag sa Comprehensive Anti-Drug Act of 2002.

Ayon kay Senior Supt. Antonio Yarra, hepe ng pulisya sa Quezon na “high value target” si Toni Ann, 33-taong-gulang.

Ang asawa ni Maria Fe na si Cerilo alyas ‘Athel’ at anak nilang si Sajid ay sumuko nitong Agosto sa mga pulis upang pabulaanan ang balitang sangkot sila sa iligal na droga bilang protektor, o tulak mismo sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Yarra, sina Cerilo at Sajid ay “high value targets” sa kanilang drug list.

Si Cerilo ay kapatid ni dating Agriculture Sec. Alcala.

SAJID ALCALA
SAJID ALCALA
Rep. VICENTE ALCALA
Rep. VICENTE ALCALA

Si Alcala ay anim na taong naging kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Siya ay kongresista bago naging bahagi ng Gabinete ng administrasyong Aquino.

Ang isa pang kapatid nila ay si Quezon Rep. Vicente Alcala.

Pamangkin naman nina Proceso, Vicente, at Cerilo si Lucena City Mayor Roderick Alcala.

Ayon sa pulisya ng lalawigan ng Quezon, napakatalamak ng bentahan at paggamit ng shabu sa nasabing lalawigan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like