Ang mga Naipanalo ng Republika ng Pilipinas sa People’s Republic of China Hinggil sa ‘West Philippine Sea’

Ng: Tapat News Team (TMT)

MAKASAYSAYAN ang tagumpay ng Republika ng Pilipinas laban People’s Republic of China hinggil sa West Philippine Sea, o South China Sea.

Narito ang mga usaping napagtagumpayan ng Pilipinas sa International Tribunal:

Ang mga Naipanalo ng Republika ng Pilipinassa People’s Republic of China Hinggil sa‘West Philippine Sea’

 

 

  • Ang nine-dash-line na iginiit ng China ay hindi sakop at pag-aari ng bansang ito.
  • Labag sa UNCLOS ang pag-angkin ng China sa nine-dash-line, sapagkat ito ay sakop at pag-aari ng Pilipinas.
  • Wala ring ligal na batayang pinanghahawakan, o pinagbabatayan ang pag-angkin ng China sa nine-dash-line.
  • Walang silbi na gamitin ng China ang kasaysayan ng bansang ito sa West Philippine Sea, o South China Sea, sapagkat kailanman ay hindi umiral, o naganap ang tinutukoy ng China. (West Philippine Sea ang tawag ng Pilipinas sa inaangking lugar ng China, samantalang South China Sea naman ang tawag ng China sa nasabing lugar.
  • Inilinaw ng International Tribunal na ang mga islang inaagaw ng China ay hindi mga islang bumubuo ng exclusive economic zones (EEZ), kundi magkakahiwalay na mga bato.
  • Walang karapatan at ligal na kapangyarihan ang China na pagbawalan ang Pilipinas na mangisda sa Scarborough Shoal, sapagkat ang lugar na ito ay tradisyunal nang pinangingisdaan ng maraming bansa.
  • Ang Mischief Reef, Second Thomas Shoal, at Reed Bank ay bahagi ng EEZ.
  • Ang tatlong ito ay pawang mga “continental shelf” ng Pilipinas na hindi lumalampas sa teritoryo ng China.
  • Ang desisyon ng International Tribunal ay pinal. Hindi ito maaaring iapila upang baguhin.
  • Walang ligal na kapangyarihan ang  Tribunal, ngunit wasto at karapat-dapat lamang na kilalanin at igalang ng iba’t ibang bansa ang desisyon, kabilang na ang China.
  • Ang mga argumento ng Pilipinas sa International Tribunal ay inakda ng mga mahuhusay at batikang mga abogado ng bansa, kabilang na si dating Solicitor General Francis Jardeleza na ngayon ay isa na sa mga mahistrado ng Korte Suprema.
  • Idiniin ni Jardeleza na ang desisyon ng International Tribunal ay “deklarasyon ng ligal na karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.”

 

You May Also Like