Ang Kanilang Dalamhati Ay Magiging Tuwa

 

Jeremias 31:13

 

Mga minamahal na kapatid kay Kristo,

 

“Narinig sa Rama ang isang tinig – panaghoy at mapait na pagtangis. Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga nak. Ayaw niyang paaliw sapagkat patay na sila.” (Jeremias 31:15)

 

Dalamhati at kalungkutan

Batid namin ang inyong lungkot at lumbay. Nararamdaman namin ang inyong pighati at hinagpis. Ang inyong pagtangis ay patangis din namin. Ang inyong lungkot ay amin din.

Bagamat ang kamatayan ay kakambal natin noong tayo’y isilang sa mundo, ang marahas at malagim na kamatayan sa kamay n gating kapaw ay kasalanang nanaghoy ng paghihganti sa langit. Kasama ng kusa at sinadyang pagpatay, ipinagluluksa natin ang iba pang mga kasalanan: pangaabusong sexual, pambubusabos sa mga dukha at pagkakait sa mga manggagawa ng karamptanag sahod. Tulad ng pagpatay ng kapwa, ang mga kasalanang ito ay humihiyak sa langit upang makamtan ang katarungan mula sa Diyos. Hindi tayo manhid sa iba pang mga paglapastangan sa buhay ng tao.

Ipinagluluksa namin kasama ninyo ang mga pagdanak ng dugo sa ating mga pamayanan. Ang mga matahas na pagkitil ng buhay sa kamay ng ating kapatid na si Cain, ang mga naiwasan sanang kamatayn dulot ng karamdaman at aksidente, kamatayan sa terorismo sa Davao, ang kamatayan ng mg sanggol dahil sa pasya ng kanilang mga ina, kamatayan dahil sa mga pakikipagsagupa sa mga pulis, kamatayan dahil sa extra judicial killing. Ang bawat kamatayan ay dahilan upang magluksa sapagkat sa pagpanaw ng bawat kapwa, sa hindi napapanahong pagpanaw ng isang sanggol o bata – bahagi ng ating sarili ang namamatay din.

Dumudulog tayo sa awa at habag ng Diyos sa nga ng ating mga kapatid na pumanaw. Bagama’t napagkaitan sila ng maka-Diyos na kapayapaan dito sa lupa dahil sa kalupitan ng tao, nawa’y maranasan nila ang tunay at walang hanggang kapayapaan sa piling Diyos sa langit.

Dumudulog tayo sa awa at habag ng Diyos para sa mga nalulumbay na naulilang pamilya ng mga napaslang. Hangarin nawa ninyo ang katarungan, hindi ang paghihiganti. Ang mga luha ni Hesus na sugatan ang magpahid nawa ng mga luha sa inyong mga mata.

Hinihiling nating gabayan ng katatagan ng kalooban at karunungan mula sa Diyos ang mga tagapagpatupad ng batas saan ma’y igalang ang karapatang pantao, itaguyod ang dignidad ng tao at paningningin ang kadakilaan ng bawat tao sa kabila ng sugat na dulot ng krimen at kasalanan.

Paghihilom sa mga nalulon sa ipinagbabawal na gamot

“Nilapitan niya at hinipo ang kabaong at tumigil ang mga may pasan nito. Sinabi niya ‘Binata sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!’ Bumangon ang patay at nagsalita; at siya’y ibinigay ni Hesus sa kanyang ina.” (Lukas 7:14-15)

Ang mga puso nati’y lumalapit nang may pag-ibig at pagmamalasakit sa mga anak nating nahumaling at nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Ang mga nalulon sa bawal na gamot ay mga anak ng Diyos na may kapantay na dignidad. Ang mga drug addict ay mga kapatid nating maysakit na nangangailangan ng paghihilom at karapat dapat sa pag-asang magbagong buhay. Sila’y mga may karamdamang nagnanais na bumuti ang kalagayan. Maaring nagkamali sila sa kanilang asal at pasya, ang nagliligtas na pag-ibig ni Hesus ang una at pinakamahalaga para sa kanila. Walang tao ang kailanma’y hindi karapat dapat sa pag-ibig ng Diyos.

“Ang laganap na katotohanan ng pagkalulon sa ipinagbabawal na gamot ay talamak na sa ating lipunan. Ito’y nakakabagabag at sa ilang aspeto ay dramatic. Ito’y kaugnay ng krisis sa mga pagpapahalaga at pagbibigay kahulugan na nararanasan ng kasalukuyang lipunan at kutura. Ang drug addiction ay bunga rin ng kabiguan sa paghahangad ng kahusayan, ng pakikibaka at ng matinding tunggalian at kawalan ng mukha ng mga ugnayan sa lipunan.” (Charter for Health Care Workers, 92)

Pinagkaitan na ng droga ng makahulugang buhay, buhay ngunit tila patay na sa mata ng lipunang madamot sa pagpapatawad, hinihimok natin ang ating mga kapatid na bumangon at mabuhay muli!

Sa kanilang nasa tanikala ng pagkalulon sa ipinagbabawal na gamot, ipinaabot natin sa kanila “Huwag kayong matakot na lumapit sa Panginoon upang mapagkalooban ng bagong buhay. Ipakita ninyo ang inyong mga sugat sa Walang Hanggang Awa ng Diyos. Hilingin ninyo at tulong ng Panginoon at tulad ng anak ng balo sa Nain, bumangon ka at magbalik sa iyong pamilya ng mga pag-ibig – hinilom at pinapanibago na.”

 

Pagbabalik-loob para sa lahat

“Kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbaba, manalngin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko silamula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ko ang kanilang lupain.” (2 Cronica 7:14)

May mapagpakumbabang pagsisisi, kinikilalla natin ang lahat ng kasamaan sa ating paligid ay nakaugat sa ating mga puso. Ang masasakit at mapanirang pananalita, ang pagmumura a kasinungalingan, ang kawalang pag-asa at kawalang pakialam – ang lahat ay nakaugat sa ating nalilihis na diwa. Ang kalituhan natin ay dulot ng tore ng Babel na itinayo natin sa maraming taon na tila itinaboy natin ang Diyos sa pagbubuo ng ating bayan! Ang takot nating mapaghigantihan o balikan at ang ating kaduwagan dahil sa maling pag-iingat ang naghatid sa atin sa mga sigalot na ito.

Ang mga kamatayan na ating nasasaksihan, ang mga pagkalulon sa ipinagbabawal na gamot na tila anay sa lipunan, ang hindi mapuksang kriminalidad, ang pagkaguho ng mga kinagisnan nating pinahahalagahan bilang mga Pilipino tulad ng paggalang sa matatanda, batayang paggalang at pamimitagan – ang lahat ng ito’y umuusig sa atin upang usisain an gating mga kaluluwa, bumaling muli sa Panginoon at papanibaguhin ang pinatabang nating mga diwa. Kung nagsisimula ang kapayapaan sa puso, gayundin ang karahasan at kasalanan. Lahat tayo may ambag at pananagutan sa mala-pusaling kalagayang kinasasadlakan natin. Kung dudulog tayo sa Panginoon, hihilumin niya ang ating bayan.

Naaangkop ang sinabi ni Santa Teresa ng Calcutta: “Kung natatanggap natin na maaring patayin ng isang ina ang kanyang sariling anak, paano natin hihimukin ang ibang tao na huwang pumatay ng kapwa?”

Nawa’y mapalitan ang ating lungkot ng pagsisisi sa kasalanan at ang hinagpis ng pagsisisi at maging kaligayahan. Nawa’y mapagtapumayan ng Liwanang ni Kristo ang dilim ng kalituhan. Nawa’y lunasan ng bagong apoy ng Pentekostes ang ating nanalalamig na pagmamnhid. Nawa’y ang pagsisisi sa kasalanan at pagbabalik loob ay magpanibago ng ating landas mula kamatayan patungo sa buhay!

Sa ngalan ng Permanent Council ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Ika-15 ng Setyembre 2016, Paggunita sa Mahal na Birhen ng Hapis.

 

SOCRATES B. VILLEGAS

Arsobispo ng Lingayen-Dagupan

Pangulo, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines

 

==============================

 

I Will Turn Their Mourning Into Joy

 

Jeremiah 31:13

 

My dear brothers and sisters in Christ:

 

In Ramah is heard the sound of sobbing, bitter weeping! Rachel mourns for her children, she refuses to be consoled for her children—they are no more! (Jer. 31:15)

 

Grief and sadness

We know your grief and sorrow. We feel your pain and anguish. Your tears are our tears too. Your sadness is ours too.

Although death is a twin sister born with us on the same day we were born, death by terror and violence, death in the hands of our fellowmen is a sin that cries to heaven for vengeance. With willful murder, we also grieve the sins of sexual perversion, oppression of the poor and the defrauding of laborers of their wages. Like murder, these sins cry to heaven for divine justice. We are not numb to these other offenses against human life.

We mourn with you at the deaths that we have seen in our communities. Violent senseless deaths in the hands of our brother Cain, unnecessary deaths by sickness and accidents, deaths from a terror bombing in Davao, deaths of babies caused by their own mothers, deaths because of police encounters, deaths from extra judicial killings – indeed every death is cause for mourning because in the death of every man or woman, in the untimely death of every child or infant, a part of us dies.

We plead for divine mercy on behalf of our dead sons and daughters. Although they did not receive godly peace here on earth because of man’s inhumanity, may they receive true and lasting peace with God in heaven!

We beg for divine mercy from the bereaved and grieving families of the dead. Seek justice but not revenge. Let the tears of Jesus Forsaken wipe every tear from your eyes. May Mary who knew the pain of losing a child in a violent death lend you her courage, peace and hope!

We pray that divine fortitude and wisdom guide all enforcers of the law so that human rights may everywhere be respected, human dignity always protected and the nobility of every human person shine forth despite the scar of crime and sin.

 

Healing for the addicted

He stepped forward and touched the coffin; at this the bearers halted, and he said, “Young man, I tell you, arise!” The dead man sat up and began to speak, and Jesus gave him to his mother (Luke 7:14-15).

Our hearts reach out in love and compassion to our sons and daughters suffering from drug dependence and addiction. Drug addicts are children of God equal in dignity with the sober ones. Drug addicts are sick brethren in need of healing deserving of new life. They are patients begging for recovery. They may have behaved as scum and rubbish but the saving of love of Jesus Christ is first and foremost for them. No man or woman is ever so unworthy of God’s love.

“The phenomenon of drug addiction is escalating in our societies, which is disturbing and, under certain aspects, dramatic. This is related to the crisis of values and meaning which contemporary society and culture is experiencing. Drug addiction is also born from the stress and frustrations brought about by the quest for efficiency, by activism and by the high competitiveness and anonymity of social interaction.” (cfr. Charter for Health Care Workers, #92).

Dead in their addictions, “living dead” in the eyes of an unforgiving world, we bid our addicted brethren to rise up and live again!

To them caught in the chains of drug addiction, we say “Do not be afraid to turn to the Lord and receive new life. Show your scars and wounds to the Divine Mercy, ask for God’s help and like the son of the widow of Nain rise up and return to your family in love, healed and renewed.”

 

Conversion for all

If my people, upon whom my name has been pronounced, humble themselves and pray, and seek my face and turn from their evil ways, I will hear them from heaven and pardon their sins and heal their land. (2 Chronicles 7:14).

Humbly repentant, we recognize that all the evils we see around us have roots in our hearts. The hate words and calumny, the vulgarity and lies, the cynicism and indifference—they all come from our obtuse spirits. The confusion amongst us is the result of the towers of Babel that we have built through the years when we attempted to build a nation without God! Our fear of reprisal and our timidity born from misplaced prudence have brought about these upheavals.

The deaths we have seen, the addictions that have caused us social ruin, the unabated criminality, the erosion of cherished Filipino values like reverence for elders, basic courtesies and respectful manners—all these challenge us to search our souls again, turn to the Lord and cleanse our dulled spirits. If peace begins in the heart, so does violence and sin. We are all responsible for the quagmire we are in. If we turn to the Lord, he will heal our land.

Saint Teresa of Calcutta aptly puts it: “If we can accept that a mother can kill her own child, how can we tell other people not to kill one another?”

May our grief be turned to repentance and our repentant sorrow be turned into joy. May darkness of confusion be overcome by His light and may our cold indifference be cured by a new fire of Pentecost. May our repentance turn our paths from death into life!

For the Permanent Council of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, September 15, 2016, Memorial of Our Lady of Sorrows.

 

SOCRATES B. VILLEGAS

Archbishop of Lingayen-Dagupan

President, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like