Ang Kakapal ng mga Mukha N’yo!!!

 

KONTROLADO ng administrasyong Duterte ang ika-17 Kongreso ng Pilipinas.

Si Aquilino Pimentel III ay nag-iisang kasapi ng PDP-Laban sa Senado, ngunit siya ang Pangulo ng mataas na kapulungang ito ng lehislatura.

SPEAKER PANTALEON ALVAREZ
SPEAKER PANTALEON ALVAREZ

Ganoon din naman si Pantaleon Alvarez, ngunit siya ang Speaker ng Kamara del Representantes.

Nangyari ito dahil kapartido nila si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Napakagandang pagkakataon upang mapabilis ang pag-apruba at pagpasa ng mga panukalang batas na pakikinabangan ng mamamayang Pilipino.

Ngunit, nabatid ng Tapatnews.com na dalawang panukalang batas lang ang naipasa ng ika-17 Kongreso.

Ang una ay pagpapaliban ng eleksyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre 2017, sa halip nitong Oktubre ng kasalukuyang taon.

Ang ikalawang panukalang batas ay ang General Appropriations act (GAA) para sa 2017.

Iyan lamang dalawa ang naipasa ng 24 Senador at mahigit 250 Representatibo.

Ang isa sa mga mahalaga ay ang panukalang batas upang maitaas ang pensyon ng mga retiradong manggagawa na kasapi ng Social Security System (SSS) na P2,000 kada buwan ay nasa antas ng komite sa dalawang kapulungan ng Kongreso hanggang sa petsang ito.

Ang mga panukalang batas na magwawakas sa kontraktuwalisasyon ay hindi agresibong ipinaglaban ng mga mambabatas laban sa mga kapitalista at sugo ng mga ito sa Kongreso.

Ang naging kapansin-pansin ay naka-pokus ang mga Senador at Representatibo sa pag-iimbestiga ng mga suliranin ng bansa kung saan makikita ang mukha nila sa telebisyon at mababasa ang kanilang mga pangalan sa mga pahayagan.

Nagdeklara si Duterte ng mapagpasyang pagbabago sa pamahalaan at lipunang Pilipino sa ilalim ng kanyang termino, ngunit mukhang si Duterte lamang ang may ganitong adyenda at hindi ang mga mambabatas.

REP.  RODOLFO FARINAS
REP. RODOLFO FARINAS

Sumasahod ng malaki ang mga mababatas, tumatanggap ng allowance, bonus, at komisyon sa pork barrel nang walang bawas lahat kahit lumiban sila nang lumiban sa Kongreso, ngunit wala naman silang nagagawang substansyal at makabubuti sa mamamayang Pilipino.

Hindi katulad ng mga manggagawa, guro, at iba pa na kapag hindi pumasok ay tiyak na may bawas ang sahod, sa kabila ng kasipagan nila sa kanilang minahal na mga propesyon.

Pinatutunayan tuloy ng mga kaganapan na kahit sino ang maging Pangulo ng bansa ay walang mangyayari sa Pilipinas kung ang mga mambabatas natin ay kabilang sa listahan ng bulok na mga pulitiko.

Sa halip na kumikilos at naglilingkod nang tapat at wasto sa mamamayang Pilipino ay pansariling interes ang inaatupag.

Ang kakapal ng mga mukha n’yo!!!

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like