Ang Cellphone at Ang Manibela

By Hedda Damasco

PhoneKahit saan tayo pumunta lagi nating dala ang ating cellphone. Tuwing aalis tayo ng bahay, lagi nating sinisigurado na dala natin ito. Pagbaba natin ng sasakyan lalo na kapag nagcommute, agad natin sinisilip o kinakapa ang ating cellphone sa ating bag o bulsa. Para sa isang napakaliit na bagay, malaki ang kahalagahan ng cellphone para saatin.

Sa isang araw, kalahati nito ay nakalaan sa pagtingin sa ating cellphone. Maaari ay tinitignan natin ang Facebook o Twitter, nagte-text, o sadyang sinisilip lang kung may bagong update. Ang paghawak at pagtingin sa mga cellphone ngayon ay hindi lamang tuwing nakaupo. Habang naglalakad sa daan, halos lahat ng makakasalubong mo ay may hawak na cellphone. Kapag ikaw ay nasa loob ng bus o jeep, marami rin ang may hawak ng cellphone. Ika nga, kahit saan ka pumunta, dala-dala mo ang iyong cellphone.

Wala namang masama sa laging pagdala at paghawak ng ating cellphone, maliban na lamang kung magdudulot ito ng kapahamakan sa sarili natin o sa kapwa. Sa ngayon, laganap ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.

Sa isang lugar katulad ng Pilipinas kung saan talamak ang traffic, hindi nakabigla-bigla kung magiging libangan ng isang taong nagmamaneho ang kanyang cellphone lalo na kung napakabagal ng galaw ng trapiko. May iba naman na ginagamit ang kanilang cellphone kapag nasa stoplight. At mayroon ding mga tao na hind mabitawan ang cellphone kahit umaandar na ang sasakyan.

Nakalista sa baba ang ilang impormasyon sa paggamit ng cellphone habangnagmamaneho:

1.) Ayon sa datos ng National Statistics Office (NSO) sa 2015, na ngunguna ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng aksidente sa daan. Tinala sa ulat na sa pagitan ng 2010 hanggang 2012 umabotsa 1,290 ang bilang ng mga naaksidente dahil sa paggamit ng cellphone (CNN Philippines, 2015).

2.) Ang Senate Bill 872 o ang “Regulating the use of mobile phone while driving” ay isinulat upang mapababa ang dumadami ng bilang ng mga taong na papahamak dahil sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho. Iminumungkahi nito ang pagbigay ng naaayon na parusa sa mga mahuhuli sa paraan ng pagbayad ng multa o pagkasuspinde ng lisensya.

3.) Noong 2012, isang pampasaherong bus ang bumangga sa railing ng EDSA-flyover. Sampu tao ang nasaktan, walong pasahero, isang motorista, at isang MMDA officer na parehong malapit sa flyover. Isang kotse din ang natamaan ng mga nahulog na debris ng bus ngunit ligtas naman ang nasa sasakyan. Ayon sa lahat ng pasahero, ang drayber ay madalas na hawak ang kanyang cellphone at nagtetext habang nag mamaneho.

4.) Ayonsa Virginia Tech Transportation Institute, ang pagtetext habang nagmamaneho ay may mas mataas na pagkakataong magresulta sa aksidente kaysa sa pagmamaneho ng lasing.

5.) Ayon sa International Business Times, ang mga taong nagte-text ay inaabot ng limangsegundonanakatinginsakanilang cellphone. Kung angtao ay nagmamanehosaisang highway na may speed limit na 60 pataas, halos 40 meters ang haba ng daan na sila ay hindi na katingin.
Maraming magandang naidudulot ang ating cellphone. Ito ay nagsisilbing libangan kapag walang magawa, at isa rin itong communication device para mapalapit sa ating mga minamahal. Ngunit ating tandaan nasa dami ng magandang dinudulot ng cellphone, ay may kalakip din na kapahamaka ng paggamit nito lalo na habang nagmamaneho. Sa susunod, mas mabuting ilagay na lang muna sa silent o itago ang iyong cellphone sa iyong bag. Kung hindi matitiis na buksan ito, ipabasa ang text message sa iyong kasama o tumigil ka saglit sa gilid ng daan. Tandaan na ang kapahamakan ng pagte-text habang nagmamaneho ay hindi lamang sa’yo kundi sa mga iba pang tao na walang kamalay-malay.

You May Also Like