Alkalde ng Capas, Utak sa Pagdakip sa Unyonista?

 

 

Ni: Denz Laguipo

 

INAKUSAHAN ng isanng lider-manggagawa ang alkalde ng Capas Tarlac na si Rey Catacutan na siyang ‘utak’ ng pagdakip sa lider ng unyon sa malakaing pagawaan ng bag sa nasabing bayan.

Sabi ni Gerard Seno, national executive vice president ng  Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), si  Patricio Tago (bise-presidente ng unyon ng De Luxe Bags Philippines) ay dinakip ng mga pulis ng Tarlac at “goons” ni Catacutan nitong Linggo malapit sa kanyang bahay sa Barangay Talaga.

Itinanggi ng kampo ni Catacutan ang paratang.

Nalaman ni Seno ang paghuli kay Tago nang iparating sa ALU-TUCP ang insidente.

Kumbinsido si Seno na ang pagdakip kay Tago ay tungkol sa kanyang partisipasyon sa pagbubuo ng unyon sa De Luxe Bags, sapagkat ganito ang banggit ng mga testigo sa kanila.

Ganito raw ang banggit ng isa sa mga humuli kay Tago: “Ang tigas kasi ng ulo mo sinabi nang ‘wag ituloy ang unyon…nag-opisyal ka pa.”

Pero, ang banggit daw ng mga pulis ay nahuli si Tago sa isang buy-bust operation.

Kaya, ang kaso raw niya ay may kinalaman sa droga.

Ayon sa ALU-TUCP, nagulat ang kapatid ni Tago na si Evelyn Tago, dahil kailanman ay hindi gumamit ng kahit anong klaseng  ipnagbabawal na gamot ang kuya niya.

At lalong hindi naging drug pusher si Tago, giit ni Evelyn.

Idiniin pa ni Evelyn na hindi totoong nahuli si Tago sa buy-bust operation, sapagkat walang naganap na buy-bust operation sa Barangay Talaga nitong umaga ng Linggo.

Ayon kay Seno, tahasang kinukondena ng ALU-TUCP ang iligal na pag-aresto at pagkulong kay Tago.

“Unlawful and violent attack” laban kay Tago ang ginawa ng mga pulis at ‘goons’ ni Mayor Catacutan, banggit ni Seno.

“We urge Mayor Rey Catacutan to stand down. We (likewise) advise the police to disallow themselves to be used by the mayor. We do not condone this attack on union leaders whose primary job is to ensure employees’ interests. We do not understand why Mayor Catacutan is anti-union,” patuloy ni Seno.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like