Alkalde, Ipinaambus ng Kamag-anak

 

Ni: Denz Laguipo

 

LABINGPITONG bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang alkalde ng Lanao del Norte.

Ayon sa ulat na nakarating Camp Crame, pambansang himpilan ng Philippine National Police (PNP), si Mayor Mohammad Exchan Limbona ng Pantar, Lanao del Norte ay naitakbo pa sa ospital, ngunit binawian din ng buhay dahil sa labingpitong tama ng bala sa kanyang katawan.

Sabi ng PNP, hindi nasugatan ang asawa ni Limbona at anak nila.

Ang nasugatan ay ang dalawang  alalay ni Limbona.

Ang insidente ay naganap hating-gabi na sa Sitio Paitan, Barangay Dalipuga sa Iligan City.

Nasa loob ng sasakyan ang mag-asawang Limbona at kanilang anak nang pagbabarilin ang kanilang sasakyan ng pinaniniwalaang bayarang mamamatay-tao.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawa ang dahilan ng ambus kay Limbona: Away-angkan at kalaban sa politika, banggit ng PNP.

Ngunit, hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa nang husto ang krimen upang matukoy ang mga salarin at utak nito.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like