Aldubnation muling naghari sa Twitter sa ika-isang taon nito! #ALDUB1stAnniversary

AldubMULING naghari sa Twitter ang Aldubnation fans ng AlDub Phenomenon couple na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa araw ng kanilang anniversary.

Muling pinatunayan ng naturang ‘fandom’ na patuloy silang naghahari sa Twitterverse, ng magtala ito ng 7.8M tweets dalawang araw na ang nakakalipas. Ito ay sa araw ng premiere ng pelikulang ‘Imagine You & Me’ kung saan bida ang ngayon ay sikat na sikat pa rin na AlDub couple. Samantalang pumapalo na sa 4.52M tweets sa mga oras na ito ang naturang fandom at inaasahang tataas pa ito hanggang matapos ang araw na ito.

Dagdag pa dito, unang-una ang AlDub sa buong timog-silangang Asia na mabigyan ng Twitter ang isang TV Show ng sariling emoji.

Ang July 16, 2016 ang unang araw kung saan nakitaan ng pagkakabagay sa isat-isa at unang sumibol ang nakakakilig na tambalan sina Alden at Maine. Mula nuon, buwan-buwan nang nagdidiwang kada 16 ang Aldubnation na ngayon ay tila higit pang nakakakuha ng mga taga-hanga. (Tapat News)

 

You May Also Like