alam mo ba…

shortie-jog 2… na mas mainam mag-jogging sa lupa o damo kaysa sa aspalto at semento? Mas malambot ang lupa at damo pagbagsak ng mga paa mo – ramdam na ramdam naman ito, hindi ba? Shock absorption ang pinag-uusapan dito, at dahil sa tigas ng semento o aspalto, ramdam ng buong katawan mo ang impact kapag tumatakbo ka sa ganitong kalye o track oval – ang likod mo, pati ulo, pero ang mga tuhod ang pinakatumatanggap ng impact ng bawat hakbang sa iyong pag-jogging, ayon kay Dr. Manuel Sison ng Philippine Orthopedic Association.

Dagdag pa niya, nakakatulong ang mga makabagong sapatos na pantakbo dahil sa disenyo nito pagdating sa shock absorption, pero kung may pagpipilian namang tatakbuhan, mas mabuting damo o lupa na lang kaysa sa matigas na mga SURFACES tulad ng semantado o aspaltadong lugar. Para na rin sa iyong kalusugan ito.

You May Also Like