AIDG Chief, Boss ng ‘Tokhang-for-Kidnapping’ Syndicate

 

WALANG kagatul-gatol na itinuro ni Senior Police Officer 3 (SPO 3) Ricky Sta. Isabel ang hepe ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ng Philippine National Police (PNP) na siyang ‘boss’ ng ‘tokhang-for-kidnapping’ syndicate sa Camp Crame.

Idiniin ni Sta. Isabel nitong gabi ng Enero 21 na si Supt. Rafael Dumlao ang nagbibigay ng “instructions” nang kidnapin nila si Jee Ick Joo sa kanyang bahay sa Angeles City noong Oktubre 18 hanggang mapatay ang nasabing South Korean national sa parehong araw.

Si Sta. Isabel ang AIDG.

Si Dumlao ay isa ring abogado.

Si Dumlao ang hepe ng AIDG.

Si Jee ay namatay sa loob ng isang sasakyang nakaparada malapit Community Relations Group Office na malapit din sa opisina at “White House” (opisyal na bahay ng hepe ng PNP) sa loob ng Camp Crame, pambansang himpilan ng PNP.

Bago patayin ni Sta. Isabel si Jee, binalot ng masking tape ang kanyang mukha, banggit ni SPO4 Roy Villegas sa kanyang sinumpaang affidavit sa Department of Justice (DOJ).

Bago patayin si Jee, may nakausap sa telepono si Sta. Isabel na “sir Dumlao,” banggit ni Villegas.

Tiniyak ni Villegas sa parehong affidavit na sinakal ni Sta. Isabel si Jee hanggang ito ay mamatay.

Tinawagan ni Sta. Isabel ang isang “Ding” upang kunin ang bangkay ni Jee kapalit ang P30,000 cash at isang golf set bilang bayad.

Si Ding ang may-ari  ng Gream Funeral Services.

Si Ding na ang tunay na pangalan ay Gerardo Gegorio Santiago ay mahigit anim na taon nang kapitan ng Barangay Bagbaguin ng Lungsod ng Caloocan.

Si Ding Santiago ay retiradong pulis na may ranggong senior police officer 2.

Sina Santiago at Sta. Isabel ay  magkakilala noong pareho pa silang nakadestino sa Northern Police District (NPD).

Si Ding ay nag-leave sa pagiging kapitaan ng barangay.

Siya at ang kanyang asawa ay pumuntang Canada nitong Enero 10 kung kanilang diinalaw  ang kanilang anak na babae na matagal nang naninirahan sa nasabiing bansa.

Sina “Sir Dumlao” at “Ding” ay parehong kasama sa kasong isinampa ng DOJ kaugnay sa pagkidnap at pagpatay ng pangkat ni Sta. Isabel kay Jee.

Tiniyak ni Sta. Isabel na mayroon siyang sapat na katibayang si Supt. Dumlao ang nag-utos sa kanilang nagawang krimen.

Si Sta. Isabel ay nasangkot na rin sa kidnapping noong siya ay nakadestino pa sa NPD.

Ngunit, inabsuwelto si Sta. Isabel ng korte makaraang walang matibay na ebidensiyang magdidiin kay Sta. Isabel sa pagkidnap sa isang Mylene Tan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like