Agosto, dineklarang ‘Philippine Wushu Month’

MATINDI ang suportang pinakikita ng Malakanyang sa palakasang Wushu sa pagdeklara kamakailan ng Agosto bilang ‘Philippine Wushu Month’.

Sa pamamagitan ng Goverment Proclamation No. 554 na linagdaan nitong Pebrero 28, kinilala ni Pangulong Benigno Aquino III ang Wushu bilang isa sa 10 na prayoridad na susuportahan ng mga kaukalang departamento at ahensya ng pamahalaan.

Nataon naman na ang Pilipinas ang napiling host para sa ika 7th Asian Junior Wushu Championship na gaganapin sa siyudad ng Makati sa darating na Agusto 8-12,

Ayon kay WFP President Tan She Ling, “Ito ay malaking simula upang bigyan ng pansin ang Wushu sa Pilipinas.”

“Buong suporta naman ang ibinibigay ng POC sa WFP’s domestic and international activities sa 7th Asian Junior Wushu Championship,” ani Philippine Olympic Committee president na si Jose “Peping” Cojuangco Jr. na pangungunahan ang nasabing palaro kasama ni Philippine Sports Commission chair na si Mr. Richie Garcia.

38 na bansa ang inaasahang lalahok sa gaganaping palaro. [Ronalyn Frial]

You May Also Like