AFP, PNP, Balik Opensiba vs CPP-NPA-NDFP

 

 

 Ng: Tapat News Team (TMT)
 
INAASAHANG titindi ang barilan sa mga susunod na araw sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at komunistang rebelde makaraang ianunsiyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National (PNP) na ikakasa uli nila ang opensiba laban sa armadong komunista na kaaway ng estado.
 
Ayon kay AFP chief of staff General Ricardo Visaya, tinanggal na ang Suspension of Military Offensive (SOMO) simula ngayong araw makaraang binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon nitong itigil ang pag-atake ng tropa ng pamahalaan laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) nitong Sabado.
 
Inalis ni Duterte ang pagtigil ng opensiba makaraang tumanggi ang CPP-NPA-NDFP na ideklarang tigil na ang pag-atake nito sa mga sundalo at pulis ng pamahalaan.
 
Ipinag-utos na ni Visaya sa buong AFP na balik na ang mga sundalo sa kanilang “normal mandated tasks and work to neutralize all threats to national security, protect the citizenry, enforce the laws and maintain peace in the land.”
 
Pati ang Philippine National Police (PNP) ay inatras na nito ang Suspension of Police Offensive (SOPO) laban sa mga komunista simula ngayong Linggo.
 
Ayon kay Director General Ronald dela Rosa, hepe ng PNP, ang kanyang desisyon ay bilang pagsunod sa pinuno ng PNP na si Duterte.
 
Sabi ng taga-pagsalita ng PNP na si Senior Supt. Dionardo Carlos, ang PNP ay naka-aktibong posisyon muli laban sa CPP-NPA-NDFP upang ligtas ang bansa at mamamayan nito laban sa manggugulo sa bansa.
 
“All office/units must be on high alert and continue to discharge their normal functions and mandate to neutralize all threats to national security, protect the citizenry, enforce the law and maintain peace in all areas of responsibility,” banggit ni Carlos sa Tapat News online and bi-monthly newspaper.
media.
 
Idiniin ni Visaya, sinayang ng CPP-NPA-NDFP ang “napakagandang oportunidad” upang patunayan ng mga ito saa mamamayang Pilipino na sila ay tunay na nagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
 
Nakaalerto rin ang NPA, lalo na sa Mindanao dito matatagpuan ang natitirang lakas ng NPA.

You May Also Like