Advocacy Group, Sinuportahan ang Tax Reform ng DOF

Ni: Marites Badilla

TINAWAG na “game changer” ng Action for Economic Reforms (AER) ang reporma sa pamumuwis sa bansa na inihain ng Department of Finance (DOF) sa Kongreso, dahil naglalayon itong palakihin ang koleksyon ng buwis kada taon.

Sec. CARLOS DOMINGUEZ III
Sec. CARLOS DOMINGUEZ III

Sabi ni AER senior economist Jo-Ann Latuja Diosana na “solido ang suporta” ng AER sa repormang isinusulong ng DOF sa sistema ng pamumuwis sa bansa, sapagkat naglalayon ang mungkahing reporma na maging pantay, progresibo, at epektibo ang sistema ng pamumuwis sa bansa at higit sa lahaat au makalilikom ito ng malaking halaga naa gagamiting pangtustos sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Idiniin ni Diosana na mahalagang punto sa repormang gagawin ay mauuwi sa pag-angat ng ekonomiya ang malilikom na salapi mula sa buwis.

Ipinasa na ng DOF sa Senado at Kamara del Representantes upang kanilang pag-aralan nang mabuti.

Pangunahin sa hangad na baguhin ng DOF ay personal income tax (PIT) na maging 25% na lamang ito mula sa kasalukuyang 32%.

Ngunit, idiniin ng DOF na hindi kasali sa pagbaba ng PIT iyong mga indibidwal na malaki ang kita kada buwan.

Kaakibat dito, gusto ng DOF na gawing simple at nakabatay sa kabuuang kita (gross) ang pamumuwis sa bansa.

Ang isa pa sa mungkahing pagbabago ay maraming produkto na hindi kasali sa 12% value-added-tax (VAT) ang gustong isama ng DOF.

Sa makatuwid, mananatiling 12% pa rin ang patong sa mga tinatawag nating “vatable products.”

Ang iba pa ay dadagdagan ang excise taxes sa produktong petrolyo, kabilang ang liquefied petroleum gas (LPG).

Tataasan din ang excise taxes sa mga sasakyan, maliban sa mga bus, trak, cargo vans, dyip, jeep substitutes, single cab chassis, at special-purpose vehicles.

Ayon kay DOF Secretary Carlos Dominguez III, ang nasabing mga mungkahing pagbabago ay mapapalaya sa kahirapan ang 10 milyong Pilipino pagdating ng 2022.

Makalilikom ng P1 trilyong buwis sa pagdating ng 2040 ang nasabing reporma, patuloy ni Dominguez.

Ngunit, hindi naniniwala rito ang Ibon Foundation, sapagkat sa pag-aaral nito ay lumabas na lalong ‘ninakawan’ ng pamahalaan ang kakarampot na sahod ng mga manggagawa dahil ang puntirya sa repormang iginigiit ng DOF ay mga produktong kailangan araw-araw ng mga manggagawa, produktong petrolyo kabilang ang LPG, na kapag itinaas ang buwis ay tiyak tataas din ang presyo ng napakaraming produkto kabilang na rin ang LPG.

Idiniin ng Ibon (isang independent research group) na ang reporma sa pamumuwis sa Pilipinas na gustong mangyari ng DOF ay kontra sa mahihirap, pero pabor na pabor sa mayayaman.

Idiniin ng grupo na ang pinakatamang gawin ng DOF ay lakihan ang buwis na ibinabayad ng mga sobrang mayayamang Pilipino.

Idiniin ni Dominguez na panahon na upang baguhin ang 20-taong-gulang na sistema ng pamumuwis sa Pilipinas para umangat ang ekonomiya ng bansa.

Idiniin ng Ibon Foundation na hindi naman kailangan pigain ang mga manggagawa hanggang maubos ang kakarampot nilang sahod kada buwan sa repormang gagawin sa sistema ng pamumuwis sa bansa.

Ayon sa datos ng pamahalaan, ngayong 2016 ay mahigit 67 milyong manggagawa mayroon ang bansa.

Nasa higit 36 milyon dito ay pawang mga kontraktuwal—ibig sabihin, hindi regular ang trabaho at napakababa ng sahod kada buwan.

Malaking bilang din sa higit 67 milyon ang walang trabaho.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like