Adik, Arestado sa Panggagahasa at Pagpatay sa 7-taong-gulang na Babae sa Malabon

 

 

Ni: Denz Laguipo

 

DINAKIP ng pulisya ang 30-taong-gulang na lalaki makaraang iturong nanggahasa at pumatay sa 7-taong-gulang na babae sa Lungsod ng Malabon nitong Biyernes ng gabi.

Hindi nakapalag si Jay Payawal nang damputin at posasan siya ng mga alagad ng batas.

Itinanggi ni Payawal na siya ang gumawa ng krimen kay Maria Nelia Ramos.

Ang pamilya Payawal at Ramos ay magkapit-bahay sa Acero Street sa Barangay Tugatog.

Inaanak pa sa binyag ng suspek ang bata.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon, natagpuang nakahandusay ang duguang katawan ni Ramos sa loob ng Tugatog Public Cemetery sa Dr. Lascano Ty Street sa Barangay Tugatog nitong Biyernes ng  9:00 ng gabi.

Maraming dugo ang lumabas sa ulo, indikasyon na pinalo nang pinalo ng suspek ang ulo ng bata hanggang mamatay.

Nakita ring walang saluwal at panti ang bata, dahilan upang ideklara ng mga imbestigador na ginahasa muna ang bata bago patayin.

Sabi ni Senior Insp. Joseph Gordovez ng Police Community Precinct No. 4 (PCP – 4), isang 16-taong-gulang na lalaki ang nagturo kay Payawal na siyang huling nakitang kasama ni Ramos papasok ng sementeryo.

“Solved na  ang krimen,” ratsada ni  Gordovez  saa media makaraang madakip si Payawal.

Si Payawal ay sasampahan ng kasong panggagahasa at murder, sapagkat may puwersang ginamit ng may edad sa bata at tila planado ang panggagahasa sa naturang biktima dahil matagal na niyang nakikita ang bata—posibleng natipuhan ang 7-taong-gulang na babae.

Batay sa talaan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), si Payawal ay isa sa mga residente ng barangay na gumagamit ng iligal na droga.

Sa talaan naman ng Malabon – PNP, si Payawal ay sumuko na sa kanila noong Hulyo 22 kung saan nangakong hindi na uli gagamit ng bawal na gamot.

Ang pagsuko ni Payawal ay bahagi ng operasyong “Olan Tokhang” ng PNP para pasukuin ang mga adik at bigyan pa ng pagkakataong magbagong buhay sa kondisyong titigil sila sa paggamit ng bawal na gamot.

Kung hindi tutupad sa pangako, mapipilitan ang pulisya na kasuhan at ikulong ang mga adik.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like