Aberya ng PCOS sa Albay

Bagaman nagkaroon ng dry run ang Precint Count Optical Scan o PCOS machines ilang linggo bago ang eleksyon, marami pa rin sa mga makina ang pumalya ng araw mismo ng botohan.

Dalawang PCOS machines ang naiulat na nasira kahapon ng umaga sa isa sa mga presinto sa Oas, Albay na gagamitin sana ng Barangay Iraya Sur at Barangay Rizal.

Ayon kay “JB”, isa sa  mga volunteer sa eleksyon, ang PCOS machine ay nakapagtala na ng walong boto bago pa man ito masira. Ang mga sumunod na boto ay hindi na tinatanggap kaya naman tinawagan nila ang COMELEC at binigyan sila ng instruksyon kung paano mapapagana ulit ang makina na hindi masasayang ang walong naunang boto.

Ayon sa mga ulat, ang PCOS machine na gagamitin ng barangay Rizal ay sira na bago pa man magsimula ang botohan. Dahil dito, itinambak lang muna ang mga balota sa isang tabi at naghintay na lang sila sa kung anong barangay ang pwedeng matapos at mahiraman ng PCOS.

Mabilis at maayos ang proseso ng pagboto sa presinto ngunit umulan ng malakas noong hapon na nagdulot ng kaunting baha sa labas ng classrooms, nagkaroon din ng brown-out na nagtagal ng halos dalawang oras, ngunit hindi naman naantala ang pagboto dahil may rechargeable baterya ang mga ito.

You May Also Like