Abaya, 5 pa kinasuhan ng korapsyon

DALAWANG taon matapos maganap ang kontrata hinggil sa tren ng Metro Rail Transit (MRT) ay saka lamang kinasuhan si outgoing Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya t limang iba pang opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ng korapsiyon sa Office of the Ombudsman.

Sinampahan nina dating MRT general manager Al Vitangcol III at  Leon Peralta, taga-pangulo ng Liga ng Eksplosibong Pagbabago, Inc. si Abaya hinggil sa aniya’y maanomalyang pagbili ng 48 bagon ng MRT mula sa isang kompanya ng Chinese noong 2014.

Kasama rin sa kaso sina DOTC Bids and Awards Committee chairman Undersecretary Jose Perpetuo Lotilla, DOTC BAC members Rene Limcaoco at Julianito Bucayan Jr., DOTC BAC Secretariat overall head Catherine Jennifer Gonzales at MRT3 general manager Roman Buenafe.

Sa 9-na-pahinang reklamo, mariing hiniling nina Abaya at Peralta kay Ombudsman Connchita Carpio na magsagawa ng malalimang imbestigasyon laban kina Abaya, sapagkat posibleng nilabag nila Sections 3(e) at 3(b) ng Republic Act (RA) 3019 o ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Gayon din ang Section 3(e) ng RA 3019 na nagbabawal sa opisyal ng pamahalaan na magbigay ng “unwarranted benefit, advantage, or preference to any party or causing any party, including the government, undue injury.”

Tinukoy din ng dalawang nagreklamo na ang nakasaad sa Section 3(b) ng RA 3019 na nababawal sa sinumang opisyal na manghingi o tumanggap ng regalo mula sa sinumang tao.

Idiniin din nina Vitangcol at Peralta na sina Abaya at ang lima pang opisyal ng DOTC sa paglabag sa Republic Act 6713 o ng Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees.

Ayon sa dalawa, kaya sila naghain ng reklamo kina Abaya dahil sila ay nakipagsabwatan kompanyang Intsik na Dalian Locomotive and Rolling Stock  Co. sa halagang P3.7-Bilyong kontrata ng 48 bagon.

Ang nasabing mga bagon ay bahagi ng pagpapalaki ng kapasidad ng MRT 3.

Naniniwala sina Abaya at Peralta na kumita ang mga inireklamong opisyal ng DOTC.

 

Propellerads

You May Also Like