91% Marka ng Tiwala kay Duterte, ‘Pampagana’ sa Ibayong Paglilingkod

Ni: Bernard Badilla-Toledo

BUKOD sa nasiyahan ang Malakanyang, isinalarawan ng mataas na opisyal ng Palasyo na ang mataas na marka ng tiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte ng publiko ay magsisilbing “inspirasyon” sa ibayong paglilingkod ng Pangulo sa mamamayang Pilipino.

Sa eksakto, sinabi ni Secretary of the Presidential Communications Operations Martin Andanar, na ang 91% trust rating ng Pulse Asia kay Duterte ay “expression of confidence” sa Pangulo.

Sa sarbey ng Pulse Asia nitong Hulyo 2 – 8, nakakuha ng 91 porsiyentong marka si Duterte.

Ang sarbey ay inilunsad noong nasa ikalawang araw na si Duterte sa Malakanyang.

Ani Andanar, ang mataas na marka ni Duterte ay magsisilbing “aspiration to the Duterte administration to continuously make a real difference and make our people’s lives better, safer and healthier.”

Sa madaling salita, isa sa pangunahing adyenda ni Duterte ay maiangat ang buhay ng  ordinaryong mamamayang Pilipino na siyang pinakamarami sa populasyon.

Nakita rin ni Andanar na ang mataas na marka ni Duterte na isang “humbling reminder that the genuine and meaningful change that our people aspire for is now being felt.”

Nagpapasalamat ang opisyal sa ibinigay na mataas na tiwala at suporta kay Duterte ng mamamayang Pilipino.

 

 

You May Also Like