90% ng Butig, Nabawi sa Maute Group

 

Ni: Roy Bersales

 

NASA 90 porsiyento na ang nababawi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bayan ng Butig sa Lanao del Sur mula pagkakakontrol ng Maute Group.

Bukod pa ito sa 61 kasapi ng Maute Group ang napatay at 12  ang malubhang nasugatan mula nang lusubin ng mga elemento ng AFP ang bayan ng Butig nitong nakalipas na Sabado.

Tatlumpu’t pito ang sugatan sa mga sundalo, banggit ng AFP.

Ikinasa ng AFP ang agresibong paglusog sa Butig nang ianunsyo ng Maute Group na kanilang nasakop at nakontrol ang nasabing bayan.

Sa harapan ng lumang gusali ng pamahalaang bayan, ibinababa ng teroristang pangkat ang bandila ng Pilipinas mula sa tagdan ng bandila at ipinalit ang bandila ng ISIS Group, isang internasyunalistang grupo.

Ebidendyang ang Maute Group ay siyang sangay ng ISI Group sa Pilipinas.

Umaasa ang pamunuan ng AFP na tuluyang babagsak ang Maute ngayong linggo.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like