90-araw na hindi senador si JV Ejercito

Ni: Marites Badilla
 
IGINIIT ng Sandiganbayan ang kapangyarihan at independensiya nito mula sa ibang sangay ng burukrasya nang suspendihin nito si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito hinggil sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanya ng Office of the Ombudsman.
 
Sa 6-pahinang resolusyon, 90-araw na “preventive suspension” ng ika-5 dibisyon ng Sandiganbayan si Ejercito sa pagiging senador ng bansa.
 
Bukod kay Ejercito, suspendido rin ng parehong haba ng araw sina city administrator Ranulfo Dacalos, city legal officer Romualdo Delos Santos, at city documentation and compliance office special assistant Lorenza Ching.
 
Ang kaso laban kina  Ejercito ay may kinalaman sa kuwestiyonableng pagbili ng mga matataas na kalibre ng mga baril noong 2008 gamit umano ang pondo ng lokal na pamahalaan ng San Juan City na nakalaan sa mga biktima ng kalamidad sa lungsod kung saan siya ang alkalde sa nasabing panahon.
 
Ang suspensiyon ay resulta ng pormal na kahiligan ng Office of the Ombudsman na suspendihin si Ejercito at iba pang sangkot sa kaso habang dinidinig ang kaso.
 
Idiniin ng Ombudsman na ang hiniling nilang suspensiyon laban kay Ejercito at iba ay nakabatay sa Seksiyon 13 ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) na nagsabing sinumang kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na suspendihin mula sa kanilang puwesto.
 
Pero, pinayagan sila ng korte na iapila at kontrahin ang desisyon ng Sandiganbayan.
 
Kailangan, makumbinsi ni Ejercito at iba pa ang tatlong mahistrado ng ika-5 dibisyon na karapat-dapat na iatras ang suspensiyon ng 90 araw.
 
Si Ejercito ay naging senador noong Hunyo 2013.
 
Siyam na taon siya naging alkalde bago maging kongresista.

You May Also Like