9 Kompanyang British, Malakas ang Tiwala sa Pilipinas

 

 

Ni: Marites Badillabritish-embassy

 

SIYAM na kompanya mula sa Great Britain ang nagpakita ng interes na lumahok sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan, ayon sa embahada ng Great Britain sa bansa.

Inihayag ng embahada ng Great  Britain ang nasabing balita sa isinagawang forum hinggil sa transportasyon sa Mandaluyong City.

Sa nasabing forum, ipinakita ni British Embassy Director of Trade and Investment Mike Moon ang kapasidad ng siyam na kompanyang British na gumawa ng mga matataas na kalidad ng imprastraktura.

Idiniin ni Moon na kaya interesado ang kompanya sa Great Britain sa Pilipinas ay dahil malaki ang tiwali nito sa administrasyong Duterte.

Nagustuhan ng Great Britain ang plano ng administrasyong Duterte na itaas sa 5 porsiyento ng gross domestic product (GDP) ang gagamiting pondo ng pamahalaan para sa mga proyektong imprastraktura.

Isasagawa ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).

Umabot lang sa dalawang porsiyento ng GDP ang ginamit ng nakalipas na administrasyon para sa imprastraktura.

Ang malaganap na imprastraktura ay kailangang-kailangan ng Pilipinas upang sumikad ng mabilis ang pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Ibon Foundation, isang research group, luging-lugi ang pamahalaan sa PPP dahil ang mga kompanyang kalahok dito ay siguradong hindi malulugi, sapagkat kasama sa kasunduan ng pamahalaan at pribadong kompanya ang pagbabayad ng pamahalaan sa gagastusin at kikitain sa loob ng isang panahon ng isang kompanya tulad ng tubig sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan kung saan kontrolado ng Manila Water at Maynilad Water.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like