8,000 Adik, ‘Di kaya ng P49-M Badyet ng QCADAAC

NAGULAT: Tuliro ngayon si Bise-Alkalde Joy Belmonte dahil ang P48 Milyong badyet ng Quezon City Anti-Drug Advisory Council ( QCADAAC)
NAGULAT: Tuliro ngayon si Bise-Alkalde Joy Belmonte dahil ang P48 Milyong badyet ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC)

Ni: Joel O. Amongo

 

AMINADO si Bise-Alkalde Joy Belmonte na hindi sapat ang P49 Milyong taunang badyet ng

Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) dahil umabot na sa 7,777 ang sumukong adik sa lungsod mula Hulyo 1.

Ani Belmonte, kailangang magpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panglunsod na magtataas sa pondo ng QCADAAC mula sa kasalukuyang P49 Milyon.

Hindi binanggit ng bise alkalde kung magkano ang dapat itaas sa pondo.

Sa P49 Milyon, P500 kada araw ang badyet sa bawat isang adik na isinasailalim sa Tahanan Drug Rehabilitation Center sa  Brgy. Payatas.

Ang kapasidad ng Tahanan Drug Rehabilitation Center ay 300 katao lamang.

Sa ngayon, mayroon nang 7,777 sumukong adik sa Quezon City Police District (QCPD).

Hindi pa kasali rito ang mga kawani ng Quezon City Hall na nagositibo sa drug test.

Hindi rin tiyak kung isasama ang mga barangay tanod na nagpositibo sa drug test.

Inaasahan pang lalaki ito sa susunod na mga araw dahil walang humpay ang operasyon ng QCPD.

Ani Belmonte, plano ng QCADAAC na magkaroon ito ng 3-taong development plan upang lalong mapabuti ang operasyon ng QCADACC.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like