8 Pulis ng NCRPO – RAID, Swak sa Ekstorsyon

 

Ni: Roy Bersales

 

WALONG tauhan ng Philippine National Police’s National Capital Region Police Office – Regional Anti-Illegal Drug (NCRPO – RAID) ay sangkot sa ekstorsiyon at iba pang krimen.

Sina Senior Police Officer 4 Dalmacio Robillon, Police Officer 3 Clarito, Police Officer 3 Lucero, Police Officer 2 JM Canas, Police Officer 1 Jowell del Rosario, Police Officer 1 Livara, Police Officer 1 Nelson Villas, at Police Officer 2 Franklin Menor na pawang mga kasapi ng NCRPO – RAID ay nahaharap sa kasong extortion, robbery, planting of evidence, at illegal possession of firearms sa korte.

Kakasuhan din sila sa National Police Commission (Napolcom) upang matanggal sa Philippine National Police (PNP).

Ang kaso ng walo ay may kinalaman sa reklamo ng mga  pamilya nina Marilyn Gelua at  Kim Allen sa Northern Police District (NPD) na nanghihingi ang mga nasabing pulis ng P150,000 para sa kalayaan ng dalawa.

Sina Gelua at Allen ay nadakip ng mga pulis sa Caloocan City noong Lunes dahil sa iligal na droga.

Nagsagawa ng entrapment operation ang NPD nitong Martes ng gabi kung saan si Menor lamang ang nahuli.

Nakuha kay Menor ang perang ibinigay sa kanya sa ikinasang entrapment operation.

Ayon sa NPD, ikinanta ni Menor ang iba pa, kasama si Robillon.

Tiniyak ng NPD na malakas ang mga kaso laban kin Robillon.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like