8 PATAY, 2 NAWAWALA, 18,000 PAMILYA INILIKAS DAHIL KAY ‘LAWIN’

 

WASAK NA WASAK: Bahay ng mahihirap na mamamayang gawa sa kahoy at pawid ay isa mga maraming kabahayan sa lalawigan ng Isabela ang winasak nang husto ng bagyong 'Lawin.' (Edwin Ramos)
WASAK NA WASAK: Bahay ng mahihirap na mamamayan na gawa sa kahoy at pawid ay isa mga maraming kabahayan sa lalawigan ng Isabela ang winasak nang husto ng bagyong ‘Lawin.’ (Edward Ramos)

Ni: Denz Laguipo

 

HINDI TUMAGAL ng kalahating araw sa Pilipinas ang super bagyong “Lawin” (Haima ang international name), ngunit 8 ang patay, dalawa ang nawawala, at mahigit katao, o mahigit 80,000 katao ang inilikas makaraang manalasa ito sa apat na rehiyon.

Sa inisyal na pahayag ng inilahad ni Department of Interior and Local Government Director Edgar Allan Tabell, ang mga namatay ay mula sa Rehiyon 1 (1 patay), Rehiyon 2 (3), at Cordillera Administrative Region (4).

Ang dalawang nawawala ay mula sa Rehiyon 2, patuloy ni Tabell.

Aniya, ang 18,277 pamilya, o 80,277 kataong nawasak ang mga bahay mulang Rehiyon 1 hanggang 5 ay inilipat na sa mga evacuation center ng mga pamahalaang lokal.

MALA-DAGAT NA BASURA: Testigo ang larawang ito sa kawalan ng disiplina ng maraming mga Pilipino, sapagkat ang mga basurang itinapon nila ay inanod at 'nagkikita sa Manila Bay matapos ang napakalakas na bagyo. (Rafael Taboy)
MALA-DAGAT NA BASURA: Testigo ang larawang ito sa kawalan ng disiplina ng maraming mga Pilipino, sapagkat ang mga basurang itinapon nila ay inanod at ‘nagkikita sa Manila Bay matapos ang napakalakas na bagyo. (Rafael Taboy)

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang  Lawin ay bagyong Signal No. 5 dahil maraming bahay nawasak, nasirang mga bubong ng napakaraming bahay, nagpabagsak ng maraming puno, napakalakas at napakabilis ng hagupit ng hangin, ay naghatid ng malakas na ulan kaya maraming lugar sa limang rehiyon ang binaha nang todo.

Sabi ng PAGASA, umalis na kaninang umaga si Lawin na pumuntang China.

Inaasahang malupit din ang epektong dadalhin ng nasabing bagyo sa China.

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa alam ng DILG kung ano ang kabuuang halaga ng pinsalang ginawa ng bagyo, lalo na sa ekonomiya, partikular sa agrikultura.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like