8 Pampublikong Palengke sa QC, Madaya ang mga Timbangan

Ni: Joel O. Amongo

 

HUWAG pagdiskitahan ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista ang mga pribadong palengke sa Quezon City, sapagkat ang mga ito ay malinis, tama ang mga timbagan, at sinusunod ang iba’t ibang batas hinggil sa pagnenegosyo ng palengke.

Idiniin ni Cornelio de Guzman,  administrador ng Mega Nepa Q-Mart, matatagpuan sa Epifanio delos Santos Avenue (Edsa), ang walong pampublikong palengke ng lungsod ang siyang marumi, madaya ang timbangan, at lumalabag sa mga batas sa pagmimintina ng palengke.

Ang pahayag ni De Guzman ay reaksyon niya sa utos ni Bautista nitong nakalipas na linggo na ipapasara niya ang 28 pribadong palengke kung hindi susundin ng mga ito ang mga batas sa pagnenegosyo ng palengke, kabilang na ang Quezon City Market Code.

Sa naunang istorya ng TapatNews.com, nabatid na ang 28 palengkeng binalaan ni Bautista ay matagal nang lumabag sa maraming mga batas, ngunit lumilitaw na ganoon din katagal pinabayaan ang mga ito ni Bautista.

Si Bautista, miyembro ng Liberal Party (LP), ay alkalde na ng lungsod simula Hunyo 30, 20120, na kahit isang beses ay hindi pa napabalita sa media na siya ay umikot, o dumalaw kahit isang beses sa mga palengke, pribado man, o pampuliko, sa lungsod.

Marahas ang desisyon ni Bautista laban sa mga pribadong palengke, ngunit ayaw niya at ni Noel Soliven, hepe ng Market Development and Administration Department (MADAM), sagutin ang totoong dahilan ng biglang paglalabas ng matapang na desisyon ng alkalde.

Ani De Guzman, hindi na kailangang ipatawag at takutin ni Bautista ang mga pribadong palengke, dahil lagi nilang isinasaayos ang kanilang mga palengke, sapagkat ayaw nila ng marumi, ayaw nila ng madayang timbangan, at sumusunod sila sa mga batas ng pamamahala ng palengke.

Sa katunayan, aniya, ang mga lamesa na naka-tiles sa meat section ay papalitan ng stainless.

Ang mga kubeta ay malinis, patuloy ng taga-pamahala ng Nepa Q-Mart.

Idiniin pa ni De Guzman na ang kanilang timbangan ay tiyak na hindi madaya, hindi tulad ng karamihan sa mga timbangan sa walong pampublikong palengke, sapagkat mayroon dalawang “timbangan ng bayan” na ibinigay ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga pribadong palengke.

Dahil dito, nakatitiyak ang mga mamimili na ang kanilang binibiling karne, isda, gulay, at iba pang produktong itinitinda sa mga pribadong palengke ay tama sa timbang.

Tapos, parehas lang sila ng presyo ng mga bilihin sa pampublikong palengke kahit mas mataas ang singil kada araw sa mga may puwesto sa pribadong palengke kumpara sa pampubliko, sabi ni De Guzman.

“Kung P140 ang bawat kilo ng manok at P200 kada kilo ng baboy sa pampublikong palengke ay ganun din ang bentahan”, saad pa nito.

Idinagdag pa ni De Guzman na walang makikta si Bautista na mga vendor sa kalsadang malapit sa mga pribadong palengke, sapagkat mahigpit nilang ipinagbabawal ang mga ito–hindi tulad umano sa mga pampublikong palengke.

Idiniin din niya na naglipana sa kalsadang nasa harapan ng mga pampublikong palengke ang mga vendor na ubod nang daya ang mga timbangan ng mga ito.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like