8 Minahan Tigil-Operasyon

 

 

KONTRA SA ILIGAL NA PAGMIMINA: Ang ilang residente sa Zambales ay masasabing bahagi ng walang humpay na pakikibaka ng mga Pilipino laban sa tingin nila'y iligal na pagmimina sa bansaa tulad ng nagaganap sa Zambales noong si Hermogenes Ebdane pa ang gobernador ng lalawigan nitong panahon ni Pangulong Benigno Aquino 3rd. Hanggang ngayon ay hindi tumitigil ang kontra sa iligal na pagmimina sa Zambales kahit suspendido na ang ilang minahan sa lalawigan. (Rafael Taboy)
KONTRA SA ILIGAL NA PAGMIMINA: Ang ilang residente sa Zambales ay masasabing bahagi ng walang humpay na pakikibaka ng mga Pilipino laban sa tingin nila’y iligal na pagmimina sa bansaa tulad ng nagaganap sa Zambales noong si Hermogenes Ebdane pa ang gobernador ng lalawigan nitong panahon ni Pangulong Benigno Aquino 3rd. Hanggang ngayon ay hindi tumitigil ang kontra sa iligal na pagmimina sa Zambales kahit suspendido na ang ilang minahan sa lalawigan. (Rafael Taboy)

Nina: Edward Mico Joseph Agustin at Boy Celario

 
ISANG buwan at kalahati pa lamang sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Regina Lopez, ngunit walong minahan na ang kanyang ipinatigil ang operasyon dahil sa iba’t ibang paglabag.
 
Ayon kay Secretary Lopez, ang walo ay mayroong linabag na batas, o di kaya hindi pasado sa internasyunal na pamantayan sa pagminina.
 
Tiniyak naman ng kalihim na tutulungan ng DENR ang mga manggagawang nawalan ng trabaho mula sa walong sinaruduhang minahan na mabibigyan ng kabuhayan.
 
Sabi rin ni Lopez na naghahanap din ang DENR ng ibang mapagkikitaan bilang alternatibo sa pagmimina sa pamamagitan ng pagdedevelop ng ecotourism saan mang lugar sa bansa.
 
Inihalimbawa ni Lopez ang ecotourism sa La Mesa Ecopark sa Quezon City at Palawan kung saan nakatutulong sa ekonomiya ng bansa.
 
Ang pinakabagong naipasarang minahan ay ang Ore Asia Mining and Development Corporation na makikita sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.
 
Ang Ore Asia, ayon sa DENR, ang natatanging minahan ng bakal sa bansa.
 
Ayon kay Usec. Leo Jasareno, hindi nakakuha ng ISO Certification ang Ore Asia na ang ibig sabihin ay hindi ito pumasa sa internasyunal na pamantayan sa pagmimina.
 
Isa pa, nadiskubre na mayroong masamang epekto sa kapaligiran ang operasyon ng Ore Asia katulad ng duming nakasisira sa ilog na malapit dito, patuloy ni Jasareno.
 
Ang iba pang pitong sinuspinde ang operasyon ay ang Benguet Corporation Nickel Mines Inc., Zambales Diversified Metals Corp., LNL Archipelago Minerals Inc., Eramen Minerals Inc., Berong Nickel Corp., CitiNickel Mines and Development Corp., at Claver Mineral Development Corp. dahil sa iba’t ibang paglabag at dahilan.
 
Sa kasalukuyan, 32 pang minahan ang patuloy ang operasyon.
 
Inaasahan namang mayroon pang ipasususpinde ang DENR dahil patuloy ang ebalwasyon nito sa 32 minahan sa bansa.
 
Ayon kay Lopez, walang negatibong epekto sa ekonomiya ang suspensiyon ng mga minahan, sapagkat napakanipis ng ambag nito sa gross national product (GDP)—wala pang 1 porsiyento—at  maging sa larangan ng trabaho dahil aabot lamang sa 250,000 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa 40 minahan sa bansa.
 
Katumbas lamang ito ng 0.6 porsiyento ng kabuuang bilang ng mayroong mga trabaho sa bansa.
 
Ayon sa DENR, ang industriya ng pagmimina ay binubuo ng 40 large-scale metallic mining companies, 65 non-metallic firms, at tinatayang 300,000 kumpanya ang pasok naman sa small-scale at iligal na pagmimina.

You May Also Like