8 LTO Fixers, Ipinahuli sa QCPD

Ni: Joel O. Amongo

WALONG fixers ng Land Transportation Office (LTO) ang hinuli ng Quezon City Police District (QCPD).

Nahuli ang walo dahil sa reklamao ng LTO sa pangunguna mismo ng hepe nito sa Asec. Edgardo Galvante.

Ang nahuli ay sina Rudy Baquilan, Senecio M. Datul, Monroe M. dela Cruz, Ryan E. Francisco, Jose A. Cabaldores, Erwin P. Buhat, Mark S.M. Estrella, at Dennis A. San Pedro.

Sila ay hinuli ng QCPD-Police Station 10 ngayong umaga sa pangunguna ni Chief Insp. Rolando Caña, deputy station commander ng PS 10.

Ayon sa ulat mula sa tanggapan ni Galvante, si Baquilan ay kinasuhan ng estafa at paglabag sa City Ordinance 1656 matapos siyang ireklamo ni Luisito O. Besas Jr. sa LTO security officer Musa Kabalo ng panloloko ng P1,500 para sa non-professional driver’s license.

Ani Besas, hindi ibinigay ni  Baquilan ang lisensya.

Sa inis ni Galvante, ipinahuli na rin ang mga fixer na pakalat-kalat sa harapan ng LTO Office sa East venue Quezon City.

Si Baquilan ay kinsuhaan ng estafa at paglabag sa City Ordinance 1656 (Anti-Fixer Ordinance).

Samantalang ang pitong iba pa ay kinasuhan ng paglabag sa C.O. 1656.

Inaasahang marami pang fixer ang mahuhuli sa mga susunod na linggo kung hindi sila titigil sa iligal na operasyon.

 

 

You May Also Like