7th Summer Grand Slam Softball sa Clark

softball

Itinakda ng nag-oorganisang Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPHIL) ang 7th Summer Grand Slam softball tournament nito sa darating na May 1-7 sa Clark Field, Pampanga.

Umabot na sa 27 koponan ang nagkumpirmang lalahok sa torneyo.

Ilan sa mga nagpahayag ng interes na sumali sa Summer Grand Slam ay ang Adamson University, University of the Philippines, National University, Rizal Technological University, Polytechnic University of the Philippines, University of Sto. Tomas, Central Luzon State University, Bulacan State University, Davao, Rizal, Ateneo de Manila, University of the Cordilleras-Baguio, Makati City, La Salle Zobel, Philippine Air Force, Cebu, Zamboanga, MS Marikina, Libjo Batangas, Baras-Rizal at Pasig.

Dalawang dayuhang koponan din ang makikihalubilo sa torneyo. Ang mga ito ay Lakidende ng Indonesia at Chikara ng Brunei.

Ang Summer Grand Slam ay nahahati sa Open at Club division para sa mga men’s at para sa women’s divisions. Magkakaroon ito ng single round robin format at ang mananalo sa Open ay mag-uuwi ng P30,000 premyo. Ang Club champion naman ay pagkakalooban ng P15,000 gantimpala.

Para sa karagdagang impormasyon, tawagan si ASAPHIL Operations Manager Jun Veloso sa 09164938937 o i-email sa ismael12068@yahoo.com. Bumisita rin sa www.asaphil.com.ph.

You May Also Like