77 Pulis ng PRO-3 Ipinatapon sa Mindanao

Ni: Jan Sinocruz

 

 

PITUMPU’T pitong pulis ang ipinatapon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na galing Police Regional Office -3 (Central Luzon) dahil sa pagkakasangkot nila sa iligal na droga.

Ayon kay Director General Ronald dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP), mayroon siyang sapat na ebidensiya kaya inilipat niya ang 77 pulis ng PRO-3 sa ARMM.

Kasunod nito ay sasampahan sila ng kasong administratibo at kriminal sa National Police Commission (Napolcom) upang sa kalauna’y matanggal sa PNP at makulong.

Saa rekord ng PNP, isa ang Central Luzon sa notoryus pagdating sa bawal na gamot.

May mga pulitikong sangkot sa negosyo ng iligal na droga, bilang protektor, o di kaya ay nagpapatakbo mismo ng sindikato ng bawal na gamot.

Ang Central Luzon ay binubuo ng Bulacan, Bataan, Pampanga, Tarlac, Zambales, at Nueva Ecija.

Ang ARMM naman ay binubuo ng Basilan, Sulu, Lanao del Sur, Maguindanao, at Tawi-Tawi.

Dalawa lamang ang lungsod sa ARMM at ito ay ang Lamitan at Marawi.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang Basilan at Sulu ay siyang balwarte ng Abu Sayyaf Group (ASG), isang kilalang teroristang organisasyon.

Bukod sa ASG, may mga base rin ang ibang armadong grupo tulad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa iba’t ibang bahagi ng ARMM.

Mayroon ding mga pribadong armadong pangkat ang ilang makapangyarihang opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Idiniin ni Dela Rosa na siguradong hindi na makapagsideline sa bawal na gamot ang 77 pulis habang sila ay nasa ARMM.

Samantala, pinayuhan ni Dela Rosa ang iba pang mga pulis sa Central Luzon na umiwas sa kahit anong ugnayan sa iligal na droga, dahil wala itong maiidudulot na maganda sa kanilang trabaho bklang mga alagad ng batas at kanilang buhay.

Sa kabilang banda, kinilala at pinarangalan ni Dela  Rosa sina  Supt. Jean Fajardo, PO3 Bonifacio Corpuz, PO1 Rey Anthony Cristobal, at PO1 John Christoan Solano dahil sa kanilang mahusay na paggampan ng tungkulin bilang mga alagad ng batas laban sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Ang apat ay nasugatan habang ginagampanan ang kanilang trabaho laban sa mga tulak at adik sa shabu.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like