72 ‘Ninja Cops’ latag sa QCPD 12 police stations, Ancar

 

 

ITO ANG DOKUMENTO: Ipinapakita ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, acting chief ng Quezon City Police District (QCPD) sa media ang isang papel na naglalaman ng mga pangalan ng 72 pulis ng distrito na pinakabagong mga sinibak sa puwesto na posibleng mailipat sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) kung sakaling matibay ang ebidensiya sa kanilang pagkakasangkot sa pagre-recycle ng shabu, o bato kung tawagin ng mga adik. (Rafael Taboy)
ITO ANG DOKUMENTO: Ipinapakita ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, acting chief ng Quezon City Police District (QCPD) sa media ang isang papel na naglalaman ng mga pangalan ng 72 pulis ng distrito na pinakabagong mga sinibak sa puwesto na posibleng mailipat sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) kung sakaling matibay ang ebidensiya sa kanilang pagkakasangkot sa pagre-recycle ng shabu, o bato kung tawagin ng mga adik. (Rafael Taboy)

Ni: Paula Antolin

 
IBINUNYAG ng hepe ng Quezon City Police District (QCPD) na ang 12 istasyon nito at anti-carnapping unit ay mayroong ‘ninja,’ o mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng methamphetamine hydrochloride (shabu) na nakukumpiska nila sa mga drug dealer at muling ibinebenta sa mga adik upang kumita ng mas malaki.
 
Ani QCPD acting district director, Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, sinibak na ang 72 pulis mula sa lahat ng police station at anti-carnapping unit (ancar) ng QCPD simula nitong Lunes.
 
Ang QCPD ay ang yunit ng Philippine National Police (PNP) na inatasang lumaban at wakasan ang kriminalidad at iligalidad sa Quezon City, kabilang na ang pagkalat ng droga, partikular ang shabu na siyang patok na patok ngayon sa mga adik.
 
Ani Eleazar, ang 72 ay pansamantalang inilipat sa Camp Karingal habang nagsasagawa pa ng mas malalim na imbestigasyon upang matukoy nang eksakto ang antas, o lalim ng kanilang pagkakasangkot sa operasyong ninja.
 
Ibabalik sila sa puwesto nila kung mababaw naman ang ibedensiya, tugon ni Eleazar.
 
Muling ipinaalala ni Eleazar sa media na ang desisyon ng pamunuan ng QCPD laban sa 72 pulis ay nakabatay pa rin sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang PNP mula sa protektor ng sindikato ng mga droga, ninja, at extortionist sa nahuling drug dealers tulad ng naunang pagkakasibak sa mahigit 100 pulis ng distrito.
 
Mula nang italagang acting QCPD chief si Eleazar, higit 100 pulis ng QCPD ang sinibak sa puwesto at inilipat sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).
 
Ang 72 ay posibleng malipat din sa ARMM kung mapapatunayang sila ay mga notoryus na ninja.
 
Superintendent ang pinakamataas na ranggo na inilipat sa  ARMM simula Hulyo 1.
 
Sa rekord ng QCPD, ito ay sina Supt. Jay Agcaoili (dating hepe ng QCPD District Special Operations Unit) at Supt. Victor Pagulayan (dating hepe ng PS 3).
 
Inilinaw ni Eleazar na ang mga tinanggal na 72 pulis ay batay sa rekomendasyon ng kani-kanilang hepe.
 
Ang pinakamaraming tinanggalan ay ang PS – 3 na 15 pulis.
 
Sumunod ang PS – 9 na may 13 pulis.
 
Pumangatlo ang PS – 10 sa bilang na 10 pulis.
 
Inilinaw ni Eleazar na bukod sa tinitingnang posibleng pagkakasangkot sa operasyong ninja, tatlo sa PS-3 ay may kasong paglabag sa R.A. 9745 (Anti- Torture Act), pagnanakaw at arbitrary detention.
 
Mayroon ding mga pulis na may nakabinbing kasong robbery extortion, illegal arrest, arbitrary detention, perjury, at pagtatanim ng ebidensya sa nadakip na mga suspek sa krimen.
 
Ang mga sinibak batay sa listahang ipinakita ni Eleazar sa media ay ang mga sumusunod:
 
 
PS – 1:
 
1.              PO3 VIRGILIO DATOON BERNARDO
2.              PO2 JEFFERSON LI SADANG
3.              SPO3 ALEJANDRO BURAGA MENDOZA
 
PS – 2:
 
1.              PO1 EDWIN ZAMORA REYES JR.
2.              PO1 JOHN ALBERT DE JOSEPH GAUANG
 
PS – 3:
 
1.              Chief Insp. ARMANDO MARIANO REYES
2.              SPO1 ROMEO PADILLA PAGULAYAN
3.              PO3 ARNEL ROMAN TORRES
4.              PO3 DOMINGO ADAO LUCERO JR.
5.              PO2 RUFINO MARINAS CARANTO JR.
6.              PO2 FREDERICK MAR REMINAJES SILOS
7.              PO1 JOHN PAUL ODO REBUSTES
8.              PO1 PATRICK PENOLIO LLANZA
9.              NUP JOSE CAMANGCAS LIGAWAN JR.
10.          PO1 PORFERIO JUSTINE SARIGUMBA
11.          PO3 MANNY SOBERANO PANLILIO
12.          PO3 NURUDDIN SALI ABDULGAPUR
13.          PO1 TOMMY DUMALUS GONZALES
14.          PO1 JONE CESAR SINGSON RABANAL
15.          PO1 ALBERT JULIANDA BALASBAS
 
PS – 4:
 
1.              PO3 CHRISTOPHER CAMACAM AQUINO
2.              PO3 NEIL JOHN TAN DUMLAO
3.              PO2 RONNIEL UBILAS BANDALES
4.              PO2 CHRYSLER ALFONSO DE DIOS
5.              PO1 EMER SERVAN POTOY
6.              PO3 ALEXANDER SANTIAGO ICBAN
 
PS – 5:
 
1.              PO3 DOMINGO ADIAO LUCERO JR.
2.              PO2 FREDERICK MAR REMINAJES SILOS
3.              PO3 EDILBERTO MOLINA ALONZO JR.
4.              PO2 GREGORIO HERNANDEZ BANGSIL III
 
PS – 7:
 
1.              SPO1 NOEL CACUILING MAGCALAYAO
2.              PO2 APOLINAR GEROLIA GERERO
 
PS – 8:
 
1.              SPO4 EDGARDO MADRILEJO RAMOS
2.              SPO1 EMERITO CALUMPIANO LALU
3.              PO3 FREDIRIC LAGO DARACAN
4.              PO3 JUPITER AGUSTIN DURUIN
5.              PO1 BENNAJAR BAKIL ABDULMUIN
 
PS – 9:
 
1.              Senior Insp. DAMASO BENEDICTO GAYATAO
2.              PO2 SHAHANEEH WAYNE GASCON MANAOIS
3.              PO1 ALVIN CASILAO BOLASTIG
4.              PO1 JONEEL GENOVES TORREFIEL
5.              PO1 CARTAGENAS AGRAVIADOR CRISPIN
6.              PO3 EDUARD CARANGUIAN TAMAYAO
7.              PO2 DOMINIQUE BALUNGAYA NARAG
8.              PO2 RICHARD MARTINICO GALVEZ
9.              PO2 CHRISTIAN LOUIE FALGUERA BARRIDO
10.          PO2 GLEN LUNASCO LARON
11.          PO2 MAXIMO RABECHE TARAPE
12.          PO2 GARY ESQUEJO GAERLAN
13.          PO2 RAFAEL CAMFOD WANAWAN
 
PS – 10:
 
1.              PO3 RODIRECO OBAL JARLEGO
2.              PO2 FLORENZ DIGMA ESPEJO
3.              PO2 RAYMOND RACHO ESCOBER
4.              PO1 KHARTER MANGLINONG ANQUILLANO
5.              PO1 ADRIAN JOSEPH MUNOZ PEREZ
6.              PO1 GIOVANNI BINGGAN MENDOZA
7.              PO1 ROWELL DELA CRUZ MABASA
8.              PO3 HENRY JAVAR ERENO
9.              PO3 LEIF NERI ABUTON
10.          PO3 ANTONIO LAGATIC SALAMANQUE
 
PS – 11:
 
1.              PO3 SHERWIN FRIAS DE VERA
2.              PO3 WELSON CANARIO CAÑA
3.              PO3 ROY PEREZ PEÑAVERDE
 
PS – 12:
 
1.              SPO1 JOSEPH MARINAS SANICO
2.              PO3 RONNIE CARRANZO CAMBA
3.              PO3 EUGENE PAJARIN MARTINEZ
4.              PO3 JOSEPH MANUEL ARKAINA
5.              PO3 EDMOND SANTOS PACULDAR
6.              PO2 BLUBEL BUZON PINEDA
7.              PO2 BIEN ROMAR CATAQUIS ABAC
8.              PO2 JAYSON LILLO DELA CRUZ
 
ANCAR:
 
1.              PO3 GLENN MENDOZA BOGNOT
 
Idiniin ni Eleazar na: “In our own sound judgment, we will subject them to investigation and validation to make sure that the ongoing change we effected will be to the maximum, to attain the change expected by all of us, so that the people of Quezon City will feel more secure about their police.”
 
Ipinagpapatuloy pa rin ni Eleazar ang paglilinis sa QCPD matapos makatanggap siya ng bulaklak ng patay higit isang linggo na ang nakalilipas.

You May Also Like