7 sa 10 pasyente namamatay dahil kulang ng Nars

 

 

Ni: Joel O. Amongo
 
PITO sa 10 pasyente ay namamatay dahil sa kapos na kapos ang mg nars naa nag-aasikaso sa kanila.
 
Batay sa datos ng FNU, 70% sa mga pasyente ang namamatay dahil napalaking bilang ng mga nars ay piniling magtrabaho sa ibang bansa, sapagkat higit na malaki ang sahod sa ibang bansaa kaysa dito sa Pilipinas.
 
Ang ganitong itsura ng ugnayan ng nars at pasyente ay nakababahala para sa Filipino Nurses United (FNU).
 
Sabi ni Jocelyn Andamo, opisyal sa FNU, naniniwala ang kanyang grupo na mas lalala pa ito sa mga susunod na panahon kung magpapatuloy ang pagpunta ng mga nars sa ibang bansa.
 
Batay sa datos ng FNU, umaabot sa kabuuang 800,000 ang nars na Pilipino, ngunit sa maksimum na 80% nito ay nasa ibang bansa.
 
Sa rekord ng Philippine National Association (PNA), mayroong 200,000 nars ang hindi nagtatrabaho bilang nars dahil masyadong mababa ang sahod ng nars sa Pilipinas.
 
Sila raw ay nagtatrabaho bilang call center agent at iba na maganda ang kita kaysa nars.
 
Sa Pilipinas, ang sahod ng nars na nasa ospital ng gobyerno ay nasa maksimum na P18,000.00 ang suweldo kada buwan.
 
Kung nasa pribadong ospital nagtatrabaho, wala pang P6,000, o mas mababa pa ang sahod kada buwan.
 
Iyong ibang ospital ay walang sahod ang nars.
 
Allowance na P100 hanggang P400 kada araw.
 
Ani Andamo, “Taun-taon maraming nagtatapos ng nars, subalit wala namang oportunidad na nakalaan sa mga ito.”
 
Napipilitan na magtungo sa ibang bansa ang mga nars para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya, patuloy niya.
 
Ang sahod ng nars, halimbawa sa Kingdom of Saudi Arabia ay higit P40,000 kada buwan ang suweldo, higit P50,000 sa Amerika, at nasa P60,000 sa Japan.
 
Idiniin ni Andamo, napakalaki ng papel ng nars sa pamamahala ng ospital at health care programa ng gobyerno.
 
Inihalimbawa niya ang simpleng ng diarrhea na hindi dapat ikinamamatay ng isang bata, ngunit namamatay dahil kulang sa nars na tututok sa may sakit.
 
“Ikinamamatay ang diarrhea dahil sa kakulangan ng kaalaman ng magulang kung paano niya gagamutin ang kanyang anak na may sakit,” ani Andamo.
 
Ani ni Andamo, kung talagang prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan ng mga Pilipino ay dapat lakihan nito ang badyet sa programang pangkalusugan.
 
Hiniling din ng FNU na dapat taasan ang suweldo ng mga nars—gawing itong higit P25,000 bawat buwan ang P18,000 natatanggap sa kasalukuyan.

You May Also Like