7, Patay nang Makipagbarilan sa mga Pulis – QC

 

ARMAS PAMATAY-TAO: Ganito kalakas na baril ang pamatay-tao ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa mga tulak ng iligal na droga sa Lungsod ng Quezon. (Rafael Taboy)
ARMAS PAMATAY-TAO: Ganito kalakas na kalibre ng baril ang pamatay-tao ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga tulak ng iligal na droga sa Lungsod ng Quezon. (Rafael Taboy)

Ni: Denz Laguipo

 

PITONG kalalakihan ang namatay nang makipagbarilan sa mga pulis kaninang madaling araw sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Lito Patay, hepe ng Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD), ang nakabangga ng kanyang mga tauhan ay ang pangkat ni Jeffrey Mendoza.

Bukod kay Mendoza, ang iba pang namatay ay si Elmer Gayoso at isang alyas ‘Francis.’

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng iba pang mga namatay.

Ani Patay, ang insidente ay naganap pasado 12:00 ng madaling araw sa Brgy. Old Balara.

Aniya, pinalarga niya ang isang tao niya sa lugar makarang maka-kuha sila ng ‘tip’ na may bilihan ng shabu sa Brgy. Old Balara.

Nang maging positibo, saka ikinasa ng kanyang mga tauhan ang operasyon laban sa grupo ni Mendoza, patuloy ng opisyal.

Inamin ni Patay na nagkabarilan dahil nagsimulang magpaputok ang mga suspek sa mga pulis hanggang sa namatay ang pito.

Walang namatay sa mga pulis.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang pitong baril (limang kalibre 45 at 2 .38), shabu, at drug paraphernalia.

Nitong Miyerkules, tatlong katao rin ang namatay sa Quezon City dahil nanlaban sila sa mga pulis habang nagsasagawa ng operasyon hinggil sa iligal na droga sa komunidad sa tapat ng Philippine Science High School.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like