7 Patay nang Lusubin ang Muslim Barangay Hall sa Manila

 

WALA NANG PINANGINGILAGAN: Sa ilalim ng administrasyong Duterte, lahat pinapasok at pinapatay kung lumalaban sa mga pulis kapag nagsasagawang operasyon laban sa iligal na droga tulad ng nangyari sa Muslim area sa Quiapo, Maynila. (Jar-Ar Ortonero)
WALA NANG PINANGINGILAGAN: Sa ilalim ng administrasyong Duterte, lahat pinapasok at pinapatay kung lumalaban sa mga pulis kapag nagsasagawa ng operasyon laban sa iligal na droga tulad ng nangyari sa Muslim area sa Quiapo, Maynila–hindi tulad dati. (Jar-Ar Ortonero)

Ni: Roy Bersales

 

PITO ang namatay, kabilang ang kapitan ng barangay, nang lusubin ng iba’t ibang yunit ng pulisya ang pamayanan ng mga Muslim sa Maynila ngayong Biyernes.

Kinilala ni Chief Supt. Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Philippine National Police (PNP), ang tatlo sa mga namatay na sina Kapitan ng Barangay 648 na si Faish Macabato, dating kagawad na si Marik Bayanton, at isang alyas “Gaus.”

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat pang namatay habang isinusulat ang balitang ito.

Ani Albayalde, pinasusuko ang mga target dahil sa kanilang pagkakasangkot sa iligal na droga, ngunit sila ay nagpaputok, kaya walang nagawa ang pinagsanib-puwersa ng NCRPO, Special Action Force (SAF), at Manila Police District (MPD) kundi makipagbarilan na rin sa mga suspek.

Ang umano’y barilan ay naganap sa loob ng barangay hall, dahil dito pumuwesto ang mga hinahanting ng mga pulis.

Pagkatapos na pagktapos ng insidente, kaagad na pinalabas ng kani-kanilang mga bahay ang 200 kalalakihan na pawang pinagsususpetsahang sangkot sa iligal na droga.

Walang lumaban sa 200 sa mga pulis kahit isa sa kanila, kaya walang namatay.

Ayon sa rekord ng PNP, ang Muslim area sa Quiapo, maging ang Barangay Culiat sa Quezon City at Barangay Maharlika sa Taguig City ay pawang mga  kilalang notoryus sa bentahan at paggamit ng shabu, ngunit hindi matibag-tibag at hindi mapasok-pasok ng kahit anong yunit ng pulisya sa nakalipas na mga taon, kabilang na ang anim na taong panunungkulan ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like