7 pang ASG patay sa AFP

PITONG miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay nitong Miyerkules sa Sulu.

Ang pagkamatay ng pito ay bahagi ng patuloy na paglusob ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sakuta ng ASG sa bayan ng Patikul, Sulu.

Nitong Martes, 3 ASG ang namatay nang makipagbarilan sa mga sundalo.

Ayon sa ulat na nakarating sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, walang napatay sa hanay ng mga sundalo sa pakikipaglaban nito sa ASG.

Samantala umabot lamang sa 18 sundalo ang nasugatan.

Ang sunod-sunod na pag-atake sa kuta ng ASG ay bahagi ng desisyon ng pamahalaan na wasakin na ang lungga ng ASG sa Sulu.

Ang ASG ay isa sa mga itinuturing na notoryus na teroristang grupo sa Pilipinas.

Kamakailan, nagpahayag si incoming President  Rodrigo Duterte na dapat nang isailalim sa Martial law ang Sulu at iba pang lugar sa Mindanao upang tapusin na ang matagal nang suliranin sa terorismong inihahasik ng ASG at iba pang teroristang grupo gamit ang Islam. (Tapat)

You May Also Like