7 Itinumba ng ‘Bonnet Gang’ sa Caloocan

 

NINTCHDBPICT000271014673Ni: Roy Bersales

 

PITONG pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga ang pinatay ng mga hindi  kilalang mamatay-tao na nakasuot ng bonnet sa Caloocan City.

Ayon kay Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Philippine National Police (PNP), wala silang kinalaman sa serye ng pagpatay ng hindi kilalang mga kalalakihan na nakasuot ng bonnet sa mga pinaniniwalaang notoryus na mga tulak ng bawal na gamot sa lungsod.

Katunayan, pinaiimbestigahan na niya ang lahat ng pamamaslang ng hindi kilalang mga kalalakihan sa mga tukoy na tulak ng iligaal na droga sa lungsod, saad ni Almazan.

Ang mga namatay sa magkakaibang oras nitong Sabado ay sina Randy David (38) at Marnele Caside (26).

Silang dalawa ay natutulog nang pasukin ang kanilang bahay at pagbabarilin hanggang mamatay ng hindi  kilalalang mga mamatay-tao.

Nang dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng krimen, ang bangkay ng dalawa at dalawang sachet ng shabu ang kanilang nakuha.

Ang sumunod na itinumba ay si Mark Edwin Enriquez (21) ng Barangay 161.

Tatlong lalaking naka-sakay sa motorsiklo at may mga suot na bonnet ang bumaril kay Enriquez hanggang siya ay mamatay.

May nakuhang shabu sa katawan ni Enriquez.

Sa Barangay 174, pinagbabaril din sina Richard Cham (29) at Rovelyn Parado (28) hanggang mamatay ng dalawang lalaki na nakasuot din ng bonnet.

Sa Barangay 168, si Alfredo Nieto (33) at ang kalaro niya ng baraha na nakilalang alyas “James” ay pinagbabaril din hanggang mamatay ang dalawa.

Ayon sa Caloocan – PNP, ginawang drug den ni Nieto ang kanilang bahay kung saan ang alyas James ay kustomer niya.

Samantala, sa Lungsod ng Malabon ay namatay ang 59-taong-gulang na si Mauricio Recto habang nasa  loob ng kanyang bahay nang pagbabarlin ng apat na hindi kilalang kalalakihan.

Ayon sa pulisya, tinadtad ng bala si Recto hanggang mamatay.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like