6,000 inaasahan sa 2013 Philippine National Games

Tinalo ni Jho-an Banayag (foreground) si Mary Grace delos Santos (background) sa 10K run event ng Philippine National Games noong isang taon sa Bacolod. May pagkakataong makabawi ang huli sa una sa paglarga ng 2013 PNG sa Mayo 25 sa Metro Manila. Sina Banayag at Delos Santos ay parehong nagkampeon sa women’s division ng National Milo Marathon ng dalawang beses.

Inaasahang papalo sa record 6,000 atleta ang lalahok sa 2013 Philippine National Games na gaganapin sa Metro Manila  mula Mayo 25 hanggang Hunyo 2.

Magkakaroon din ng record number 50 sports events na paglalabanan sa palarong  katatampukan din ng mga Pilipinong may dugong banyaga at mga junior athletes ng bansa.

Noong isang taon sa Bacolod City, umabot sa mahigit 4,000 atleta ang nakilahok sa taunang palaro ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).

Pakay ng PSC at POC sa palarong ito na hindi lamang makahanap ng mga bagong talento sa iba’t-ibang sports kundi ang mahasa din ang galing ng  mga pambansang atleta at ng mga elite athletes ng bansa.

Sa unang pagkakataon din ay pinahihintulutan ng PSC at POC na sumali dito ang mga junior athletes na may edad 16-anyos pataas. Isasalang din dito ng mga national sports associations ang mga Fil-foreign recruits para makita ang kanilang husay sa paglalaro.

Para sa taong ito ay naglaan ng P20 milyon ang PSC para sa PNG.

Ang mga kikinang sa naturang palaro ay ikukunsidera ng POC para maglaro din sa 2013 Southeast Asian Games na gaganapin sa Myanmar sa Disyembre.

You May Also Like